Hiro's POV
"D*mn! Saan na naman ba yun pupunta?" Naffrustrate na sabi ni Irish.
Hindi ko nalang sya pinansin at nagsimula nang maglakad patungo sa dorm namin.
"Hiro!" Dinig kong tawag nya pero hindi ko pa rin sya pinansin.
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa higitin nya ang braso ko. Tinignan ko lang sya ng walang kaemoemosyon ang mukha habang sya ay matalim ang mga tingin sa akin at kunot na kunot ang noo.
"What?" Walang ganang tanong ko.
"Anong what? Saan ka pupunta ha?" Masungit na singhal nya sa akin.
"Sa dorm."
"Why?"
Pinagkunutan ko sya ng noo. "Anong why?"
"Why you seems like you don't care if she left?" Seryosong tanong nya.
Agad akong nag iwas ng tingin. "I'm tired." Sabi ko at dahan dahang inalis ang pagkakahawak nya sa braso ko at umalis.
♥♡♥♡♥
Irish POV
Naiwan akong nakanganga dito sa parking lot. Hindi ko maintindihan ang inasta ni Hiro kanina.
Bakit parang wala syang pakialam? Bakit parang ayos lang sa kanyang umalis ulit si Sloa?
Paulit ulit kong sinubukang tawagan si Sloa pero hindi sya sumasagot. Natatakot akong baka this time ay hindi na talaga sya bumalik pa dito sa L.A.
Unti onti ay bumagsak ang mga balikat ko at ang mga tuhod ko ay unti onti na ring nanghihina hanggang sa tuluyan na itong bumigay at sumuko. Ngunit hindi ako bumagsak sa lupa dahil may bisig na sumalo sa akin.
"Hey, are you okay?" Tanong ni Bryan.
Nginitian ko lang sya saka unti onting pumikit....
Nagising ako nang may maramdaman kong bahagyang lumubog ang isang gilid ng hinihigaan ko.
Marahan kong iminulat ang mga mata ko at doon ay nakita ko si Sloa na seryosong nakatingin sa akin.
"Sloa!" Masayang sabi ko at agad syang niyakap.
Naramdaman ko namang niyakap nya rin ako pabalik. "Sloa, I'm glad you're already here." Nakangiting sabi ko pero nanatili pa rin syang seryoso kaya unti onting nawala ang mga ngiti sa labi ko.
"Sloa? May problema ba?" Nag aalalang tanong ko.
Umiling sya at hinawakan ang mga kamay ko. "Ano ka ba naman, Irish? Diba sabi ko alagaan mo ang sarili mo?" Ramdam ko ang pag aalala sa tono nya.