Sloanne's POV
"Hindi pa rin ba siya nagigising?" Tanong nang kakapasok lang na lalake, sa boses niya palang ay alam kong si Walter iyon.
"Hindi pa." Dinig kong sagot ni Irish.
"We bought some foods for all of you." Dinig ko namang sabi ni Ellis.
Hindi ko tuloy maiwasang napakunot ng noo. Anong ginagawa ng mga ito sa kwarto ko? Hindi ba nila alam na naiistorbo nila ang tulog ko?
Nanatili akong nakapikit at nakinig sa pinag uusapan nila.
"Let's eat."
Biglang bumukas ang pinto. "Yo guys! What's up? Gising na ba siya?" Maingay na bati ni Kane.
"Shh! Shut the fvck up! You're too loud. Baka magising siya." Masungit na saway ni Jonathan.
"Edi mabuti! At least magigising na siya! Ayun naman ang gusto natin 'di ba?"
"Psh."
Unti onti kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag dulot ng florescent light. Sunod ay ang puting kisame. Hinintay ko munang luminaw ang mga nakikita ko bago ko inilibot ang paningin ko sa buong kwarto.
Isa lang ang masasabi ko. Hindi ito ang kwarto ko. Nasaan ba ako?
Nakaupo ang Muller brothers sa isang mahabang couch habang kumakain sila Clyde at Bryan. Si Jonathan naman ay sumisimsim ng kanyang kape habang nakatulala sa coffee table.
Sa kabilang couch naman ay nakaupo si Hiro at Irish. Pareho silang kumakain. Si Walter at Ellis naman ay nakatayo sa harap ng isang may kahabaang lamesa sa may gilid nito kwarto at sinasalansan ng maayos ang mga dala nila.
Si Kane ay prenteng nakasandal sa dingding malapit sa pinto at nagbabasa ng magazine habang kumakain ng mansanas.
Lahat sila ay mukhang pagod at stress. Naglalakihan ang mga eye bags at halatang kulang sa tulog.
May balak sa sila sumali sa palusugan ng eye bags? O baka naman nag aadik na ang mga ito?
Napalingon ako sa gilid ng kamang hinihigaan ko nang maramdaman kong may bahagyang pumisil sa kamay ko.
May lalakeng nakahawak sa kamay ko ay nakayuko sa kama. Mukhang mahimbing na natutulog ang lalake.
Ngayon ko lang napansin ang iba't ibang machine sa gilid ng kama ko at may dextrose na nakasaksak sa isa pang kamay ko.
I'm in a hospital room but why? Ano bang nangyare?
Mariin akong napapikit at pilit inalala ang mga nangyare.
>>F L A S H B A C K<<
"Ahhh! Ta... ma... n... na.."
Parang nanlamig ang buo kong katawan nang marinig ang boses na iyon. Sigurado akong si Aiyanna iyon at hirap na hirap na siya!