Fybs POV
Pagtapos naming bilhin lahat ng kakailanganin ko mamaya ay agad namin iyong dinala sa dorm namin nila Irish saka bumalik sa school.
"So what's your plan?" Tanong ni Jonathan.
Nagkibit balikat ako. "Ask everyone's help to set everything up? We can't make it on our own."
Mabilis ang lakad namin hanggang sa madaanan namin ang cafeteria. Wala na sila doon kaya siguradong papunta na yung mga yon sa room o baka nga nandoon na.
Habang tinatahak namin ang daan ay agad naming natanaw ang grupo ni Nate na may sarisariling mundo kasama ang mga jowa nila. Natanaw ko rin sila Nate at Hiro na parang kinukulit si Clyde. Sa pinakaunahan nila ay ang naghaharutang sila Irish at Bryan.
Mukha atang kinikiliti ni Bryan ang kaibigan ko dahil sa ginagawa nitong pagtusok tusok sa tagiliran nito at panay din ang tawa ni Irish. Biglang tumakbo si Irish palayo kay Bryan para siguro takasan ang pangingiliti nito sa kanya.
"What do you think about Irish and Bryan?"
Napalingon ako kay Jonathan na seryosong tinitignan din sila Irish habang patuloy sa paglalakad. Bahagya na ring bumagal ang lakad namin.
"What about them?" Kunot noong tanong ko.
"Irish!"
Napatingin ulit ako sa harap nang marinig ang pag aalala sa boses ni Bryan.
Mabilis siyang tumakbo patungo kay Irish kaya walang anu ano'y tumakbo din ako palapit doon.
Halos matigilan pa ako nang makita ang dalawang taong nasa harap nila. Ang makita kung paano makalingkis sa ang babae sa braso ng lalake ay nagpapabuhay sa galit ko.
"Honey, do you know this flirty girl?" Dinig kong tanong ng babae sa harap nila Bryan at Irish.
Nakaakbay na si Bryan sa nangangatog na si Irish.
Agad na nag init ang ulo ko sa narinig. Sinong tinatawag niya flirty? Si Irish? Anong karapatan niya para sabihan ang kaibigan ko ng malandi?
"She's not flirty, miss." Mariing ani Bryan at matalim na tinignan ang babae.
Pinagtaasan siya nito ng kilay. "Am I talking to you, mister? Where's your manners?" Maarteng tanong niya.
Hindi nakasagot si Bryan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nagsasalita itong si Irish. Bakit hindi niya man lang ipagtanggol si Bryan? Wag niyang sabihing hindi niya pa rin kayang harapin ang dalawang hinayupak na ito?
"Excuse me.."
Sabi ko nang nasa gilid na ako ni Irish. Dama ko ang paglingon niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. This two sh*tty people really getting into my nerves. They awaken the demon inside me.
"S-sloa..."
Nangangatal ang labi niyang tawag sa akin. Tinignan ko siya ng walang kaemoemosyon ang mukha.
Naiirita ako sa kanya. Kung pwede ko lang siyang batukan ngayon sa harap ng dalawang ito ay malamang kanina ko pa ginawa.
"At sino ka naman?"
Maratay na tanong ng babae. Muli ko siyang hinarap. Nakataas ang kilay niya sa akin.
Nginisihan ko siya at binalingan ang lalakeng kasama niya. Laglag ang panga nitong nakatingin sa akin at kita ko pa ang panginginig ng kanyang labi.
"Long time no see, Daniel." Ngisi ko.
Halos mapatalon siya sa ginawa kong pagbati. "Honey kilala mo siya?" Tanong ng babae.