Chapter 34

4.4K 143 10
                                    

Jonathan POV

Nandito kami ng mga kapatid ko sa underground. Sabi kasi ni Clyde na narinig niyang nag uusap sila Fybs, Hiro at Irish kanina doon sa locker area. Sinabi daw ni Fybs sa mga kaibigan niyang pupunta sila ngayon dito sa underground. Kaya nandito kami ngayon.

Nagpalinga linga kami sa paligid para hanapin sila. As usual, ang dami pa ring tao dito at maingay.

"Ayun sila Irish, oh!"

Napatingin ako sa bar kung saan nakaturo si Clyde. Nandoon si Hiro at Irish na parehong prenteng nakaupo sa stool habang umiinom ng liquor at pinapanood ang laban sa octagon.

"Where's Fybs?" Agad na tanong ko ng makalapit.

Gulat silang napalingon sa amin at muntik pang maibuga ni Irish ang alak sa bunganga niya.

"B-bakit kayo nandito?" Nanlalaki ang mga mata sa gulat na tanong ni Irish.

"We just want to chill tapos nakita namin kayo." Sagot ni Clyde.

"Bakit ngayon niyo pa naisipang magchill?!"

"What's the matter? Bakit ba parang gulat na gulat kang makita kami dito, ha?" Kunot noong tanong ko.

Ang weird niya. Daig niya pa ang taong nakagawa ng kasalanan at malapit ng mabuking sa inaakto niya.

"Ah, don't mind her. Ganyan talaga siya kapag nabibigla tapos nakainom." Singit ni Hiro.

"Nasaan si Fybs? Bakit kayong dalawa lang?"

"Nagcr lang." Si Irish.

"Nagpaiwan sa bahay." Si Hiro.

Kunot noo ko silang tinignan. Halos sabay nilang sabihin iyon. Normal lang bang magkaiba ang sagot nila sa kung nasaan ang kanilang kaibigan?

Nanlaki ang mga mata ni Irish na napatingin kay Hiro. Pumikit siya at mayamaya lang ay biglang tumawa.

"Ah, oo nga pala! Nagpaiwan nga pala siya sa bahay! Pasensya na, naparami na kasi ang nainom ko." Natatawang sabi ni Irish.

Parang may mali. Hindi ako kumbinsido. May tinatago sila. Nararamdaman ko iyon.

"Jonathan look."

Palingon ako kay Bryan na nakatingin sa kung saan. Magkahalong pagkamangha at gulat ang nakikita ko sa mga mata niya.

Sinundan ko naman ang tingin niya.

Nakita ako ang isang babaeng mukhang kalalabas lang ng cr. Deretsong deretso ang pustura nito. Para siyang si Ellis kung tumayo at gumalaw.

May kadiliman sa parteng iyon kaya hindi ko makita ang itsura niya. Nanatili ang tingin ko sa kanya at kunot noo siyang tinignan na maglakad.

Nanlaki ang mga mata ko ng sa wakas ay makita ko na ang kabuohan niya. Pamilyar ang kanyang itsura.

She has her long and straight ash blonde colored hair. She's wearing a full face mask na may design na fire blue demon. And she's wearing a black fitted dress na above the knee and black high cut boots na abot hanggang tuhod. May design pa inyong mga diamonds dahilan para kuminang iyon kapag natatamaan ng ilaw.

Luther Academy: School Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon