Nathan's POV
Isang buwan na rin ang nakakalipas mula nung ipinakilala si Fybs doon sa auditorium. Simula nun ay naging matunog na ang kanyang pangalan dito sa L.A. Napagtanto ng karamihan na kaya pala ganon sya kagaling makipaglaban dahil sya ang leader ng Deadly Phoenix ang rank 2 strongest gang dito sa L.A.
Nung una ay hindi pa ako makapaniwala. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na sya ang leader nila Irish kahit na magkakaibigan sila. Nakakatawa pang ngang hindi rin sumagi sa isip ko na isa rin pala syang gangster gaya namin kahit na dito sya nag aaral sa eskwelahan ng mga gangsters.
Akala ko kasi ay naligaw lang siya kaya napadpad siya dito o di kaya'y wala ng ibang choice ang mga magulang niya kaya siya ipinatapon sa eskwelahang ito. Sa pagkakaalala ko ay sinabi niya noon nung unang araw ng pasukan ay nakick out siya sa Xavier university sa loob lang ng labing limang minutong pamamalagi niya doon.
Isang buwan ko nang hindi nakikita si Fybs. Simula din kasi ng araw na iyon ay wala nang nakakaalam kung nasaan sya. Kahit sila Hiro at Irish ay hindi rin alam kung nasaan sya. Sa totoo lang miss ko na siya. Miss na miss ko na si Fybs.
Naglalakad na kami ng gang ko ngayon dito sa hallway. Nag iba na din pala ang L.A. Lumipas na kasi ang isang buwan.
Meron kasi kaming rule dito sa L.A. na bawal ang mga gang fights sa first 1 month ng school year. But now that one month is over ay bawat sulok ng L.A. ay kakikitaan ng mga gangs na nag aaway.
Ilang linggo na rin ata ang nakalipas mula nang magsimula ang mga gang fights.
"Leader!" Maingay na sabi ni Kane.
Walang gana ko syang nilingon. "Bakit?"
"Nakikinig ka ba? Kanina pa kami salita ng salita dito eh!"
Umiling ako. "Pasensya na."
Hinawakan ni Syd ang balikat ko. "Iniisip mo na naman ba sya?" Tanong ni Sydney, nag aalala.
Bumuntong hininga ako. "Kailan ko ba sya hindi inisip?" Patanong kong sagot.
"Nung hindi mo pa sya kilala!" Singit ni Kane.
Napaface palm nalang ako. Binatukan naman sya ni Walter. "G*go malamang! Alangan naman isipin nya ang taong hindi nya naman kilala tss." Singhal sa kanya ni Walter.
Sumimangot naman siya. "Sinagot ko lang naman ang tanong nya ah?! Anong masama doon?! Psh!" Protesta nya.
"Oo na! Tss! Ang daming dada! Tumahimik ka na nga lang!" Singhal sa kanya ni Sydney.
Kawawang Kane lahat nalang ay sinisinghalan sya. Tss. Palibhasa kasi hindi nag iisip.
*-.-*
◇◆◇
Nandito kami ngayon sa field para sa pe class namin.
"Our lesson for today is about using guns. I know that all of you are already know how to use guns." Sabi ni sir. "Activity lang tayo ngayon. Tulad ulit ng dati. Bibigyan ko kayo ng grades base sa performance nyo."