Fybs POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nakapikit akong naupo sa kama at nag unat ng mga braso. Nang lingunin ko ang aking tabi ay wala na doon si Hiro.
"Good morning, babe." Nakangiting bati sa akin ni Hiro.
Mukhang katatapos lang niyang maligo. Pinupunasan niya pa ang kanyang buhok ng lumapit sa akin.
Nakabihis na siya. Lalo siyang gumwapo sa suot niyang long sleeve polo na tinupi niya hanggang siko at khaki shorts.
"Morning." Bati ko pabalik.
"Babe, ready ka na ba?" Tanong niya pagkaupo niya sa higaan.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Kunot noong tanong ko.
Kagabi kasi bago kami matulog ay sinabi niyang aalis kami ngayon. Hindi niya naman sinabi kung saan kami pupunta kaya naku-curious ako.
"Secret." Ngiting sabi niya. "Sige na at maligo ka na para maaga tayong makarating sa pupuntahan natin."
Hindi na ako nakipagtalo pa. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Matapos ang higit trenta minutos na pagligo at toothbrush ay lumabas ako nang nakaroba.
Wala na doon si Hiro at maayos na ang kaninang magulong higaan. bahagya kong tinuyo ang buhok ko habang nakaupo sa harap ng salamin. Tapos ay nagtungo ako sa closet at naghanap ng damit.
Ang isinuot ko ay gray T-shirt na tinuck in ko sa maong skirt at sa puting converse shoes. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok.
Nang makuntento sa itsura ko ay saka ko kinuha ang phone ko na nakapatong sa side table at lumabas na ng kwarto.
Naabutan ko si Irish na nakacross legs na nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv. Humihigop siya ng kape at sa kanyang kanang kamay naman ay hawak ang isang sandwich.
Napalingon siya sa akin ng mapansin ang presensya ko. "Good morning, Sloa." Nakangiting bati niya.
"Morning." Tipid na bati ko. "You don't come with us?"
Sinimangutan niya ako saka inilapag sa coffee table ang mga hawak niya at humalukipkip. "Ayokong maging third wheel sa date niyo ni Hiro, 'no! I'd rather stay here than to be your chaperon." Ngiwing sabi niya at bahagya pang umirap.
"Babe, are you ready? Shall we go?" Biglang sumulpot si Hiro sa entrada ng kusina.
Umiling ako. "I need my fresh milk first before we go."
Nagtungo ako sa kusina para mauminom ng isang basong gatas. Pabalik na sana ako sa sala ng biglang nagbeep ang phone ko. Senyales na may nag text.
Tinignan ko ang aking phone. Mula iyon sa isang unknown number. Binuksan ko iyon at binasa.
From: Unknown number
01000111011011110110111101100100001000000100110101001111010101010101001001001110010010010100111001000111
Nangunot ang noo ko sa laman ng message. I'm familiar of this codes. It's a binary code. But who the hell will send me this series of codes?
Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at bumalik sa sala.
"I got a message from unknown. And it's kinda weird." Sabi ko at ipinakita sa dalawang kaibigan kong nakaupo sa sofa at nanonood ng tv ang phone ko na nakapatay.