Nate's POV
Nakakunot noo kong pinanood si Fybs na tumatawa habang hawak hawak ang tyan nya. Ang totoo'y nakakamanghang nandito sya ngayon sa harap ko at tumatawa. Ito ang unang beses na nakita ko syang tumatawa pero hindi ako maaaring bumigay. Dapat ay galit ako! Dapat ay nagtatampo ako kaya pinigilan ko ang sarili kong mapangiti.
"Why are you laughing?" Kunot noo at masungit kong tanong ko.
Agad naman syang tumigil sa pagtawa at sinimangutan ako.
Sh*t! Bakit ang cute nya tuwing sumisimangot?
Pumikit ako ng mariin para alisin ang manghang nararamdam ko ngayon.
Kinikilig ako tuwing nakikita ko syang tumatawa o di kaya'y sumisimangot! Basta tuwing ang cute nya ay parang may kung anong lumilipad sa tyan ko at parang may nagtatambol sa dibdib ko! Hindi ko maintindihan! Daig ko pa kinikiliti ngayon!
"Ikaw! Nakakatawa ka kasi! Anong boyfriend pinagsasabi mo dyan? Kaibigan ko lang iyon noh!" Nakasimangot pa ring singhal nya sa akin.
"Kaibigan pero ang sweet nyo sa isa't isa." Ngiwi kong sabi.
Paano ba naman kasi kanina doon sa time zone nakita kong niyakap sya ni Hiro at hinalikan pa! May magkaibigan bang ganon?
"Oo. Friends with benefits. Bawal?" Natatawa nyang sabi.
Agad ko syang sinamaan ng tingin."Anong sabi mo?" Tiim bagang kong tanong.
Muli na naman syang napangiwi. "Psh! Hindi pwedeng magbiro?" Ngiwi nyang sabi.
"Biro ba yun?!" Singhal ko.
"He's my very special friend. He's like an older brother to me. That's all nothing more."
"You sure?" Masungit ko pa ring tanong.
"Oo nga. Sweet kami kasi nga parang magkapatid na kaming dalawa." Seryosong paliwanag nya.
♥♡♥♡♥
Fybs' POV
Baliw na ata ang isang ito. Kanina kasi ay nagsusungit tapos ngayon ay ngiting ngiti na sya sa harap ko. Yung totoo? Pinagtitripan ba ako ng isang ito?
"Tara may pupuntahan tayo." Masiglang sabi nya at hinawakan ang wrist ko at hinila.
Lumabas kami ng mall at dumiretso sa parking lot. Dumiretso kami sa isang gray na Ferrari.