Chapter 8

11.7K 312 12
                                    

Fybs' POV

Lumipas ang mga araw at weekend na. Nandito ako sa kwarto ko at nagbabasa ng libro habang nakikinig ng classic music.

*Knock*

*Knock*

*Knock*

Napatingin ako sa pinto ko ng marinig ang katok na iyon. Bumukas ito at sumulpot sila Hiro at Irish.

Palundag na nahiga si Irish sa kama kung nasaan ako at nagpagulong gulong habang nakataas ang kamay at sumisigaw.

"Hoy! Tahimik!" Saway ko.

Agad naman syang naupo at ngiting ngiting hinarap ako. "Hindi ka ba naboboring kakabasa mo dyan?" Hindi ko malaman kung malungkot ba sya o ano eh. Paano ba naman nakangiti sya pero yung boses nya ay nagmumukmok. Weird right?

*-.-*

"Hindi." Walang ganang sagot ko at muling napatuloy sa pagbabasa.

Nahinto lang ako ng biglang hablutin ng bruha ang librong binabasa ko at binato sa kung saan.

"Mall tayo." Nakangiting anyaya nya.

"Siraulo ka! Bakit mo binato?!" Inis na singhal ko sa kanya.

Agad naman syang sumimangot at nagpuppy eyes. "Eh? Mall kasi tayo!" Parang batang sabi nya.

Natutuwa naman akong bumalik na sya sa dati pero naiinis talaga ako dahil binato nya ang libro ko! Hindi nya ba alam na mahal na mahal ko ang mga libro ko?! Tss.

*>>_<<*

"Gaga ka ba?! Daig pa natin ang nasa gitna ng kawalan! Saan ka makakakita ng mall dito?!" Masungit na sabi ko sa kanya.

"Ano ba?! May mall kaya dito sa L.A!" Nakangiti nyang sabi.

Agad namang nangunot ang noo ko. "Anong mall pinagsasabi mo?! Kailan pa nagkaroon ng mall sa loob ng school?" Nakangiwi kong tanong.

"Wala bang binigay sayo si Tito na university map?" Tanong ni Hiro.

"Meron."

"Hindi mo ba tinignan?"

"Hindi. Wala akong time na tignan pa yun." Walang emosyon kong sabi.

"Tss. Nasaan na?" Tanong nya pa.

"Doon sa drawer ng study table."

Agad namang tumayo si Hiro at kinalkal ang drawer na tinuro ko. Bumalik syang hawak ang isang envelope at naupo sa kama.

May kinuha syang papel doon at agad binuklat. Yung mapa pala yun. Inilatag nya ang mapa sa kama.

Grabe. Ang laki naman pala ng lugar na ito. Pinagtuturo nya ang mga lugar doon sa mapa.

Nalaman kong bukod pala sa tatlong school building at dito sa hotel dormitory ay meron pa palang ibang facilities dito.

Luther Academy: School Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon