Fybs' POV
Gulat na gulat silang tumingin sa akin. Parang may imposible akong sinabi kahit wala naman.
"You want—what, Sloa?" Gulat na tanong ni Irish.
"I want fight. Hanapan mo ako ng kalaban." Seryosong sabi ko.
"You sure?" Paniniguradong tanong niya.
"Yes."
"Sinong gusto mo?" Tanong ni Hiro.
Nilingon ko siya at tinignan ng seryoso. "The strongest gang here." Seryoso kong sagot.
Napamaang siya sa narinig. "The strongest?" Nagugulat niya pa ring tanong.
Tinignan ko lang siya na para bang sawang sawa na ako sa kakasalita.
Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Dama ko ang titig nila sa akin habang patuloy kong iniinom ang tequila napatuloy kong inoorder.
"Go ahead, Irish. Sabihin mo sa announcer na maglalaban ang Blackbourne at Deadly Phoenix." Napapabuntong hiningang sabi ni Nate.
Nilingon ko sila. Nanatili ang titig sa kanya ni Irish na parang hindi pa makapaniwalang pumayag ito sa gusto kong mangyari.
"No. I'll fight alone." Singit ko.
"What? Are you insane?" Singhal sa akin ni Nate.
"No. I just want a fight. Friendly fight. Ayokong isipin ng lahat ng nandito na gusto kong agawin ang rank niyo. Kapag lumaban ako kasama nila, paniguradong ayon ang iisipin nila." Kaswal kong sabi.
"Wag mo silang isipin. Hindi mo kami kakayanin kung mag isa ka lang." Nag aalalang sabi niya.
Hindi ko maiwasang pagkunutan siya ng noo. "Are you insulting me? Do you think I'm that weak?" Masungit kong tanong.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Iniinsulto niya ako pero hindi lang diretso. Nakakainis.
"No. Hindi—"
"Then let's fight." Putol ko sa dapat ay sasabihin niya.
Tinitigan niya akong mabuti bago sulyapan si Irish at tumango.
Tumayo si Irish at naglakad papunta sa gilid nang octagon kung nasaan ang announcer at binulungan ito. Napatingin sa amin ang announcer at tumango.
"Stop the fight." Ani ng announcer sa mic. Agad namang tumigil ang mga naglalaban sa octagon at lumabas nang ring na para bang walang nangyare.
"Let's welcome the most strongest gang here in Luther... Blackbourne!" Malakas na sabi ng announcer.
Bigla na namang umingay sa buong lugar. Tumayo na ang grupo ni Nate at naglakad na patungo sa loob ng octagon.
"And... The leader of the Deadly Phoenix..."
Biglang tumahimik ang buong lugar nang marinig iyon. Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Batid ko ang mga matang nakasunod sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin. Diretso lang akong naglalakad patungo sa loob ng ring kung nasaan ang grupo ni Nate.