Fybs POV
Times goes fast. Ilang linggo na rin ang nakakaraan mula nang magbigay ng bulalak yung tatlo sa akin. Ilang linggo na rin silang nagsisimula sa panliligaw daw kuno sa akin.
May ginawa pa silang schedule schedule ng panliligaw daw nila sa akin. Request iyon ni Ellis. Nung nakaraan kasi ay halos magpatayan na yung tatlo dahil sa pag aaway nila tungkol sa akin.
Agree naman ako sa ganong set up. Yung may schedule. Mas mabuti na yun dahil naiinis na rin yung pagtatalo nila palagi. Lagi silang nagpapaligsahan na tatlo. Nakakainis na nga minsan eh.
But still I didn't do anything to stop them and I didn't entertain them as well. I just let them do whatever they want.
"Nabalitaan nyo na ba?" Dinig kong sabi ni Kane.
Nandito kami sa field. Magkakasama kami ng grupo nila Jonathan, Nate at grupo ko. Nakaugalian na namin ito. Nitong mga nakaraang linggo ay lagi kaming magkakasama.
"Alin?" Ani Aiyanna.
Batid kong lahat sila ay nakatuon na ang atensyon kay Kane. Ako nalang ang hindi ngunit maging ako ay nakikinig at nag aantay sa sasabihin nya kahit wala sa kanya ang paningin ko.
"Yung about sa underground."
Binatukan siya ni Sydney. "Ano nga ang yun? Pabitin ka eh." Masungit na sabi nito.
Ngumuso ng parang bata si Kane habang kakamot kamot sa kanyang batok. "Usap usapan ngayon ng halos lahat ng tao dito ang nangyari kagabi sa underground. Ang dinig ko ay nagpakita daw ang Luther's Queen." kibit balikat na sabi niya.
Natitigilan akong napatingin sa kanya nang marinig iyon. Lahat ay halatang gulat sa narinig mula sa kanya. Nagkatinginan pa kaming tatlo nila Irish at Hiro.
"Si Queen?" Gulat na tanong nilang lahat.
Tumango sya. "Oo. Si Queen."
"Sigurado ka ba?" Gulat na tanong pa rin ni Walter.
"Iyon ang narinig ko." Kibit balikat nya.
"Ang Luther's Queen. Ay ang queen ng buong lugar na ito. Walang nakakakilala sa kanya. Walang nakakaalam kung ano ang tunay nyang pangalan maging kung ano ang kanyang itsura. She's so mysterious." Napatingin ako kay Ellis na nakatingin din sa akin habang sinasabi ang mga iyon.
Para bang sa akin niya talaga sinabi ang mga iyon para hindi ako mangapa sa kung ano mang pinag uusapan nila.
Tinanguan ko siya. "Kung walang nakakakilala sa kanya ay paano niyo nasabing siya nga ang Luther's Queen?" Wala sa sariling tanong ko.
"She have her signature look. Para siyang laging nakadisguise. Siya lang ang nag iisang tao dito sa Luther na tuwing pupunta sa underground ay laging nakadisguise. Her hair is a long straight ash blonde. She always wear a full face mask na ang design ay fire blue demon. And she always wear an all black outfit. By those you can find out that she's the Queen." Si Sydney ang nagpaliwanag.
![](https://img.wattpad.com/cover/113971521-288-k685510.jpg)