Chapter 29

4.9K 146 0
                                    

Hiro's POV

Kunot noong tinignan ko ang mga pads. Nandito na ako ngayon sa grocery store dito sa mall.

Alin ba dito yung ginagamit ni Irish? Bakit din ba ganito kadaming brand nito?

Whisper, Thosedays, charmee, carefree, sisters, modes at kung ano ano pa.

What brand should I get? Hindi ko maiwasang mafrustrate. This is the only way para magkabati kami ni Sloa.

Luminga linga ako sa paligid at nakita ko ang ilang babaeng mahinang naghahagikgikan habang nakatingin sa akin.

"Gawd! He's so hot!" Dinig ko pang bulong ng isa.

Nag init ang pisngi ko dahil sa labis na kahihiyang nararamdaman ko. Nakayuko kong kinuha ang bakanteng push cart na nasa gilid.

Walang anu ano'y hinawi ko lahat ng brand ng mga pads papunta sa cart na kinuha ko saka dalidaling pumunta sa counter.

Kapag minamalas ka nga naman, oo! Ang haba ng pila at puro babae pa ang nandoon! Pinagtitingian nila ako at ang dala kong cart na punong puno ng pads ng babae.

Minsan ay lumingon sa akin ang babaeng nakapila sa harap ko at nang makitang nakatingin ako ay agad na nag iwas ng tingin at humagikgik.

"Oh my God! That's Aikawa Hiro right? Yung sa section one?" Dinig kong sabi ng babae doon sa kabilang counter.

"Gosh! Oo nga! He's so handsome talaga!" Tili pa ng isa.

"Yeah right. But take a look at his cart. That is full of..."

"Women pads.."

Lalo akong napayuko at bigla ay gusto ko nalang lamunin ako ng lupa dito sa kinatatayuan ko.

Pinagsisisihan ko pang kilala ako ng lahat hindi tulad nila Jonathan, Clyde at Bryan na misteryoso at mangilan ngilan ang nakakakilala.

Nang sa wakas ay tapos na ang mga nauna sa akin ay agad kong nilagay sa counter ang mga pads na kinuha ko.

Namula ang pisngi ng kahera nang makita kung gaano kadami iyon.

"Are you sure you gonna buy all of this, sir Hiro?" Nakakagat labi na tanong niya.

Pati ba naman ang kaherang ito ay kilala rin ako?! The eff!

"Just do your job and stop asking." Inis na tinuran ko.

"O-okay, sir. Sorry."

Aligaga niyang pinunch ang mga pads dahil siguro sa takot sa akin. Pagtapos ay binayaran ko iyon at agad na kinuha ang tatlong plastics at agad na bumalik sa school.

Naabutan ko sila na kumakain pa sa cafeteria. Agad kong pinatong sa lamesa ang tatlong plastic kaya naagaw ko ang pansin nila pero nanatili kay Sloa ang paningin ko.

"Ano yan, dre, pagkain?" Tanong ni Kane.

Bago ko man siya pigilang kalkalin iyon ay huli na kaya nalalaki ang mga mata niya habang nakaturo sa mga plastic.

"Women pads!" Animoy nakakita ng multo o ng alien na sigaw niya.

Tuloy ay napatingin ang halos lahat ng nasa cafeteria sa amin. Agad na sinilip din nila Nate, Walter, Ashton, Jonathan, Clyde at Bryan ang loob ng plastic. Gulat gulat na napatingin sila sa akin.

"Ikaw ang bumili ng lahat ng iyan?!" Gulat na gulat si Clyde.

"Para saan yan, tol?! Bakit... sobrang dami?" Ngiwi ni Bryan.

Luther Academy: School Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon