Fybs POV
Nandito ako sa cafeteria kasama ang sarili ko. Oo. Ang sarili ko lang dahil hindi ko mahagilap ang dalawang magaling kong kaibigan. Lunch break na at mukha atang mag isa akong kakain ngayon. Tss.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang nagring ang phone ko. Sinagot ko agad iyon at tinapat sa aking tenga.
Uminom pa muna ako ng tubig bago magsalita. "What?" Bungad ko.
"Hello my dear daughter.." Malamlam ang boses ni Dad sa kabilang linya. "How are you?"
"I'm fine."
"How's Irish? Is she okay now?" Tanong nya pa.
"Yes, she's okay now."
Mahabang katahimikan ang nangibabaw sa pagitan namin bago ko marinig ang pagtikhim nya.
"Where's Hiro, by the way? He's not answering my texts and calls?" Seryosong tanong nya.
Nangunot ang noo ko sa tanong nya. "I don't know. What do you need from him?" Seryoso ko ring tanong.
"Uh, nothing.." Tikhim nya. "Okay, bye for now. I'll call you some other time. Take care."
Hindi na ako sumagot at pinutol na agad ang tawag. Kunot na kunot pa rin ang noo kong nakatingin sa pagkain ko. Hindi ko maalis sa sistema ko ang sinabi ni Dad. Anong kailangan nya kay Hiro? Tss.
Naagaw ang atensyon ko nang may babaeng padarag na naupo sa upuan sa harapan ko. Hingal na hingal sya at may mga butil ng pawis ang kanyang noo.
"Saan ka naman galing, ha?" Humalukipkip ako sa harap nya.
Dahan dahan syang umayos ng upo at pilit na ngumiti sa akin. "Uh, dyan lang sa tabi tabi." Sabi nya.
Umarko ang kilay ko. "Sa tabi tabi?"
"Uh-huh, sa tabi tabi." Tumikhim sya at ngumiti ang pagkalapad lapad. "Gutom na ako. Wait lang at bibili lang ako ng pagkain ko."
Pagkasabi nya noon ay aligaga syang tumayo at nagtungo sa line para makabili ng pagkain.
There's really something weird on her. Ano kayang nangyari sa kanya? At saan naman kaya ang sinasabi nyang tabi tabi? Tss. May ginawa na naman ata syang kalokohan.
Winaksi ko ang lahat ng bagay na nagpagulo ng isipan ko at nagpatuloy sa pagkain. Mayamaya lang ay dumating na si Irish daladala ang tray nya ng pagkain.
Agad na nangunot ang noo ko sa nakitang laman ng pagkain nya. "What's that?" Tanong ko.
Taka nya akong tinignan saka dinungaw ang pagkain nya. "Pagkain." Kibit balikat nya.
Pinagtaasan ko sya ng kilay. "I told you not to do your freaking diet, didn't I?" Masungit kong tanong.
Paano ba naman kasi. Yung pagkain nya ay parang pangmiryenda lang. Isang sandwich at fresh milk. Duh! Lunch na kaya!
Napairap ako nang ngumuso sya na parang isang bata. Tss. "But my figure..." Nanlulumo ang kanyang boses.
"Okay, then. You care about your figure?" Tumango tango naman syang parang maamong tuta. "Then I'll give you choices."