Sloanne's POV
Nagunot ang noo ko nang pagkabukas ko ng locker ko ay bumalandra sa akin ang isang black envelope with bloody red seal and one stem of black rose.
Kinuha ko ang mga iyon at bubuksan na sana ng biglang...
*BLAAGG!*
Mariin akong napapikit dahil sa sakit ng likuran at ulo ko. Paano ba naman kasi bigla nalang may humablot sa akin at marahas akong itinulak sa mga locker. Nabitawan ko tuloy yung envelope at black rose dahil sa sakit.
Napadilat ako ng may humawak sa mga braso ng sobrang higpit. Pakiramdam ko balak niyang durugin ang mga braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.
Bahagya pa akong nagulat ng mapagtanto kung sino ang taong iyon. Si Nate. Agad na nagbago ang ekspresyon ko, blangko na ito pilit na hindi ininda ang sakit ng likod at ulo ko na tumama sa mga locker.
*BLAAGG!*
Muli akong napapikit ng muli niya akong itulak ng malakas sa locker. Pinilit kong itago ang sakit at muling dumilat. Walang emosyon kong tinignan ang galit na galit niyang mga mata.
"Hindi ka ba talaga nakakaintindi?!" Igting ang mga pangang tanong niya. "Sinabi ko na sayo diba?! Wag mo siyang gagalawin! Wag mo siyang sasaktan! Ano bang hindi mo maintindihan doon, ha?!"
So, kaya pala siya sumugod dito dahil sa babaeng iyon? Kaya pala siya nandito at sinasaktan ako dahil na naman sa bruhang Haileyparot na iyon? Psh!
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung anong inuungot niya? Hindi ko naman ginalaw yung bruhang iyon ah? Kaya bakit siya nandito? Bakit siya pasugod sugod dito?
Tinignan ko lang siya na parang siya na ang pinakawalang kwentang bagay na nakita ko sa mundo. Well, sa inaasta niya ngayon ay parang ganon na nga siya. Pathetic. Walang kwenta.
Hindi ako nagsalita."Bakit mo na naman siya sinaktan, ha? Nagkapasa siya ng dahil sa iyon!" Gigil na sigaw niya at muli akong tinulak sa locker.
Napakipit ulit ako. Ang sakit na ah!
Ano bang sinasabi niyang ginawa ko sa babae yun?! Nagkapasa ng dahil sa akin?! Wow! Wow lang talaga! Pwede ko na palang pasaan ang isang tao kahit na hindi ko man lang sila nakita o nakasalubong man lang sa araw na ito?! Tsk. Kalokohan.
Kahit kailan talaga ang babaeng iyon nakapaka sinungaling. Masyado pang papansin. Hindi ko na nga pinapansin ang presensya niya. Tapos gagawa siya ng kwento na pinasaan ko siya?! Wow! Siguradong pang best actress na naman ang arte ng babaeng iyon kaya ganito nalang kung umungot ang lalaking ito.
Hinayaan ko lang siya. Hindi ako nagsalita. Hindi ko na tinangka pang depensahan ang sarili ko. Para saan pa? Alam ko namang hindi rin siya makikinig.
Bigla niyang inangat ang kanang kamay niya at akmang sasampalin ako nang may kamay na pumigil sa wrist niya.
Gulat niya itong nilingon. Maging ako ay napalingon din. Seryosong seryoso ang mukha ni Jonathan habang nakatingin kay Nate. Nakakakilabot ang kanyang aura. Itim na itim. Parang ano mang oras ay papatay siya ng tao.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Singhal ni Nate sa kanya at pilit na inaagaw ang wrist niya.