••Epilogue••
Sloanne's POV
*Splash!*
Agad akong napamulat nang may magbuhos sa akin ng napakalamig na tubig. Habol ko ang hininga ko na para bang galing ako sa pagkalunod.
Nagulat ako nang makita ang taong gumawa sa akin ng bagay na iyon.
"H-Hiro.."
Nakatayo siya sa harap ko habang mahigpit na hawak ang isang maliit na balde. Pulang pula ang buong mukha niya, nagngingitngit ang mga ngipin sa galit at ang mga mata niya naman ay kakikitaan ang matinding galit at pagkasuklam na kulang nalang ay mag apoy ang kanyang mga mata.
"Hiro—ahh!" Mahinang daing ko.
Ibinato niya kasi malapit sa akin ang baldeng hawak niya na siyang dahilan ng pagkawasak niyon at tumalsik sa hita ko ang isang matulis na bahagi ng nawasak na balde.
I tried to reach my wound only to find out that my hands are tightly tied into the post behind me.
Gulat akong napalingon sa kanya. "What's the meaning of this, Hiro? Why my hands are tied?"
But instead of answering me, he slapped my cheek, hard! Napabaling sa gilid ang mukha ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Sobrang hapdi ng pisngi ko. Nanunuot ng sobra ang sampal niya sa pisngi ko na para bang hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kamay niya. Tingin ko ay nagbakas ang palad niya sa pisngi ko dahil sa lakas ng sampal niya.
"Hiro—"
Sunod niyang sinampal ang kabila kong pisngi bago ko pa man matapos ang sasabihin ko. Mas malakas ito kumpara sa naunang sampal niya sa akin. Nalasahan ko pa ang dugo sa gilid ng labi ko.
Napangiwi ako sa sakit nang marahas niyang hinawakan ang panga ko gamit ang isang kamay at iniharap sa kanya ang mukha ko. Nagtama ang mga mata namin.
I see nothing in his eyes but so much wrath. He's eyes are full of hatred, full of loathe.
Sa isang iglap lang ay may hawak na siyang dagger at idiniin niya iyon sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa parteng iyon na siguradong may hiwa na dahil sa pagkakadiin ng talim niyon sa leeg ko.
"Why are you doing this, Hiro?"
Hindi ko na napigilan ang mamumuo ng luha sa aking mga mata habang tinitignan siya.
The man in front of me is not the Hiro that I know. The Hiro that I know is jolly, friendly and full of love but this man in front of me is full of fury and loathe. This is not Hiro.
"Why, Hiro? Why are you doing this to me? Why you're hurting me? We're friends..." at hindi ko na nga napigilan pa ang pagtulo ng luha ko.
Nasasaktan ako. Hindi dahil sa sugat ko kundi dahil sa galit at pagkamuhing bumabalot sa kanya. Nasasaktan ako dahil kaibigan ko siya at mahal ko siya. Nasasaktan ako dahil hindi ko maintindihan ang pinanghuhugutan niya. Saan ba nang gagaling ang matinding galit at pagkamuhi niya sa akin?
Marahas niyang binitawan ang panga ko saka ko muling sinampal. Namamanhid na ang mga pisngi ko sa lakas ng mga sampal niya.
Igting ang panga niya akong dinuro. "Friends?! Yes, we are friends but that was before! Before I found out the fvcking truth!" Galit na galit niyang sigaw.
"Hiro.."
"You know what? I regret being part of the Phoenix. I regret being your friend. I regret that I met you..." Pinakatitigan niya muna ako bago magpatuloy. "I regret that I'd once loved you."