Chapter 32

4.3K 126 6
                                    

Sloanne's POV

Naglalakad kami ngayon dito sa hallway ng school. As usual, kaliwa't kanan ang mga gang fights sa paligid. May mangilan ngilang babae sa gilid na walang tigil sa pagcichismisan at pagbubulugan.

"Anong nangyare dito kahapon, Irish?" Biglang tanong ni Hiro sa kanina pang tahimik na si Irish.

"H-ha?" Gulat niyang nilingon si Hiro. Bigla siyang naging aligaga at nag iwas ng tingin. "W-wala naman."

"Oh, bakit aligaga ka diyan?"

"Ano? Ako, aligaga? Bakit naman ako magiging aligaga?" Mabilis niyang tangi at pilit na tumawa.

Agad na nangunot ako noo ko. "What's the problem, Yvonne?" Seryosong tanong ko.

Nanlalaki ang mga mata niyang lumingon sa akin pero agad ding nag iwas ng tingin. Alam kong alam niya kung gaano ako kaseryoso ng itanong ko iyon. Hindi ko naman siya tinatawag sa first name niya, eh. Maliban nalang talaga kapag alam kong may itinatago siya sa akin.

"Guys!" Sigaw niya at nagmamadaling lumapit sa grupong papalapit sa amin.

Sinundan ko siya ng tingin. Nasa harap na siya ngayon ng grupo ni Nate. Parang may sinasabi siya sa mga iyon na naging dahilan para mabahiran ng pagkabahala ang mga mukha nila.

"Hi Hiro! Hi F-Fybs!" Bati nila sa amin ng nasa harapan na nila kami at pilit na ngumiti.

"Hi!" Bati sa kanila pabalik ni Hiro. "Where's Nate?"

Nanlaki ang mga mata nila ng marinig ang tanong na iyon ni Hiro. Parang gulat na gulat sila at hindi nila inaasahang maririnig ang ganong klaseng tanong.

Kunot noo kong pinasadahan ng tingin ang grupong nasa harap ko. Tuwing magtatama ang mga paningin namin ay agad silang nag iiwas ng tingin.

Biglang tumikhim si Sydney kaya naagaw niya ang atensyon ko. "How's your date, yesterday? I heard from Irish that you left this place?" Nakangiting tanong niya pero halatang pilit ang mga ngiting iyon.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Where is he? Where's your cousin?" I seriously asked, ignoring her questions.

Nag iwas ulit siya ng tingin. Nakita ko pa ang paulit ulit na paggalaw ng kanyang lalamunan senyales ng paulit ulit niyang paglunok.

Lalong nangunot ang noo ko. Muli ko silang pinasadahan ng tingin isa isa. Lahat sila ay nakayuko pati na rin si Irish. Tumigil ang mga titig ko sa kanya. Siguro ay naramdaman niya ang mga titig ko kaya nag angat siya ng tingin sa akin.

"S-Sloa..."

"Wait! Wait! Wait! What the hell's happening here, guys?!" Singit ni Hiro at isa isang pinasadahan ng tingin ang grupong nasa harap namin.

I didn't mind him. "Do you really think that I'm dumb to not notice that you're hiding something from me? What it is? Tell me." Mariing saad ko.

"Why don't you find it by yourself?"

Napalingon ako kay Ashton. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip.

Nilabanan ko ang mga titig niya sa akin. Kitang kita ko ang pag aalinlangan sa kanyang mga mata bagaman seryoso ang kanyang mukha. Hanggang sa siya na mismo ang sumuko at mag iwas ng tingin.

Luther Academy: School Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon