Fybs POV
Nandito ako sa kwarto at as usual nagbabasa na naman ako ng libro habang nakikinig ng music. Ito talaga ang hilig ko. Hobby kung baga.
*Knock*
*Knock*
*Knock*
Matapos marinig ang tatlong katok na iyon ay bumukas ang pinto at pumasok si Irish. Nakataas ang kilay at nakamewang syang lumapit sa akin.
Tinagtaasan ko rin sya ng kilay. "Bakit ka nandito?" Mataray kong tanong.
"Kasi wala ako doon." Pamimilosopo nya.
Inirapan ko nalang sya at nagpatuloy sa pagbabasa. Wala na naman sigurong magawa ang isang ito kaya ako na naman ang ginugulo.
Bigla nyang hinablot ang librong hawak ko at akmang ibabato ito kaya sinamaan ko syang ng tingin.
"Subukan mong ibato yan at makakatikim ka na talaga." Banta ko.
Ngumuso sya saka nilapag ng maayos ang libro ko sa side table. "May bista ka." Masungit nyang sabi.
"Talaga?" Walang ganang tanong ko.
"Hoy gaga! Mag iisang oras ng naghihintay si Jonathan doon sa sala! Akala ko pa naman naghahanda ka na pero ito ka't nakahilata at nagbabasa na naman ng libro mo!" Singhal nya.
Agad naman akong napabalikwas ng bangon dahil sa narinig. "Ano?! Nandito sya?!" Gulat na tanong ko.
Eh kasi naman. Paano nya nalaman kung saan ang dorm namin? Wala naman akong natatandaan na sinabi ko sa kanya.
"Ano?! Nandito sya?!" Panggagaya nya. "Gaga! Oo nga nandito si Jonathan! Paulit ulit?!"
"Tss."
"Wag mo akong matss tss dyan, Sloa! Maligo ka na kaya! Nakakahiya kay Jonathan oh!" Singhal nya.
"Oo na. Lumabas ka na."
Agad akong dumiretso sa bathroom habang si Irish naman ay lumabas na. Binilisan ko ang pagligo ko dahil narealise ko rin ang sinabi ni Irish. Nakakahiya nga naman doon sa tao. Isang oras na palang naghihintay tapos ngayon lang sinabi sa akin.
Tss. Kahit kailang talaga oo!
*-.-*
Pagtapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Si Irish ang agad na bumungad sa akin. Nakacross legs syang nakaupo sa sala at nanonood ng TV.
Napalingon sya sa akin at pinasadahan ng tingin ang kabuohan ko. "Bakit nakaganyan ka?" Masungit na tanong nya.
"Bakit anong problema sa suot ko?" Inosenteng tanong ko.
Ano bang problema? Maayos naman ang suot ko ah? Nakawhite shit at blue jeans at rubber shoes ako. Oh diba? Okay naman diba?