Chapter 7

11.5K 333 51
                                    

Nate's POV

Nagulat kami ng pagpasok namin ng cafeteria ay nagkakainitan na si Fybs at Si Francine.

Si Francine ang leader ng Dastrica Gang. Natop 9 sa most strongest gang dito sa L.A.

Kasama nya sila Leona, Tiffany at Suzy na mga kagangmates nya. Halatang nagtatarayan ang dalawa at naiinis na si Francine kay Sloanne.

Kasama naman ni Sloanne sila Hiro at Irish. Bigla nalang tinapik ni Irish si Sloanne saka hinila si Hiro papunta sa line.

Seriously? Iniwan nila ang kaibigan nila?

Akmang susugurin ni Tiffany si Fybs pero agad na sinipa ni Fybs ang basong hawak ni Tiffany dahilan para matapon ang laman nito sa mukha at damit ni Tiffany. Nabitawan din ni Tiffany ang baso kaya ito nabasag.

"Ugh! Damn you bitch!" Maarteng sigaw ni Tiffany at muling sinugod si Fybs.

Sinuntok ni Tiffany si Fybs pero agad itong nakaiwas at hinawakan ang kamay saka pinilipit ng sobra kaya napaluhod si Tiffany sa sakit. Kamalas malasan namang ang naluhuran ni Tiffany ay yung mga bubog.

"Ahh! Sh*t!" Hirap na hirap na sigaw ni Tiffany.

"Masyado kang maingay." Sabi ni Fybs saka siniko ang mukha ni Tiffany dahilan para mawalan sya ng malay.

Pabalang na hinablot ni Leona ang braso ni Fybs at agad syang sinampal. Dahan dahang hinarap ni Fybs ang mukha nya kay Leona saka ito sinuntok ng dalawang beses sa mukha. Hinawakan nya ang dalawang balikat ni Leona saka paulit ulit na tinuhod sa sikmura.

Wala nang malay si Leona ng tigilan sya ni Fybs. Sabay na sumugod sila Francine at Suzy. Palitan ang ginawang pag atake ng dalawa. Kapag si Francine ang sumusuntok ay si Suzy ang sumisipa at vice versa. Nasasalag naman lahat ni Fybs ang atake ng dalawa.

Nang minsang magsabay ng pagsipa ang dalawa ay nahawakan ni Fybs ang paa nila saka ito marahas na hinatak kaya nawalan ng balanse ng dalawa at bumagsak sa sahig. Tumama ang ulo nila sa sahig kaya agad itong nawalan ng malay.

Umayos sya ng tayo saka nagpagpag ng kamay at damit saka naglakad papunta sa mga kaibigan nyang nasa pila.

Hindi ko alam ang dapat kong i-react. Masyadong mabilis ang mga pangyayare. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nagagawa nya. Isa lang syang babae pero sobrang kakaiba nya. Malakas sya at di hamak na walang panama ang mga nakakalaban nya sa kanya.

"Ang galing nya talaga! Grabe!" Manghang manghang sabi ni Kane.

"Every time nalang na nakikita ko syang makipaglaban ay hindi ko maiwasang paulit ulit na humanga. Ang galing nya." Sabi ni Ellis.

"Ang galing galing nya!" Halos kuminang na ang mga mata ni Aiyanna ng sabihin ang mga salitang iyan.

Luther Academy: School Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon