Fybs POV
Magkakasama na naman kaming tatlong grupo. Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria. Si Hiro, Bryan at Irish ang nangunguna sa paglalakad. Kaming tatlo naman nila Clyde, Jonathan at ako ang nasa likod nila. Sa likod namin ay nandoon ang grupo ni Nate.
"Today is Aiyanna's birthday, if I'm not mistaken." Biglang sabi ni Jonathan.
Nilingon ko siya. "Is there's a party?"
Umiling siya. "Walang hilig si Aiyanna sa party. Madalas ay nanlilibre lang siya bilang celebration ng birthday niya."
Tumango ako. "Can you come with me?" Tanong ko.
Agad niya akong nilingon. "Of course, where?" Tanong niya.
"Mall. Now mismo."
"Why?"
"I'll tell you later." Sabi ko.
"Clyde, I know you heard us. Ikaw na bahalang magsabi sa kanila." Nilingon niya si Clyde na nasa kabilang gilid ko.
Nagthumbs up ito sa kanya. "Sure."
"Please don't tell to much details." Sabi ko.
"You want me to tell white lies?" Taas kilay niyang tanong.
Tumango ako. "If that's the only way then go ahead."
"Okay. Copy!" Mahinang sabi niya.
Pasimple kaming humiwalay sa kanila at patakbong nagtungo sa kotse ni Jonathan.
"Tell me, you want alone time with me, don't you?" Ngising sabi ni Jonathan.
Pinagtaasan ko siya ng kilay kahit na hindi niya naman makikita dahil tutok siya sa kalsada.
"Assuming." Nguwi ko.
Nilingon niya ako sandali at pilyong ngumiti. "Really? Then, bakit ako ang niyaya mong pumunta sa mall?"
"Duh! Its still your day today. Schedule, remember?" Maratay kong sabi.
Tumikhim naman siya. Napagtanto niya siguro ang sinasabi ko. "Anyway, anong gagawin natin sa mall?"
"I need to buy some stuff I'll need later. I'm planning to conduct a surprise party for Aiyanna's birthday." Ngiting sabi ko.
"I didn't know that you are close with her?"
Umiling ako. "I'm not. It's just that.. she'd been good to me. Let just say that this is my way to thank her." Kibit balikat ko.
♥♡♥♡♥
Irish POV
"Where's Jonathan and Fybs?" Biglang tanong ni Nate nang makaupo na kami sa table namin.
"Oo nga. Nasaan na yung dalawa?" Tanong din ni Hiro.
Tss. Ito talagang dalawang ito parang gusto lagi ay nakikita si Fybs.