Nate's POV
Nandito na kami sa parking lot ng dorm. Kanina pa sya tahimik matapos ang nangyari kanina. Nagiguilty naman ako dahil alam kong ako ang may kasalanan kung bakit sobrang tahimik nya ngayon.
Siguro kung hindi ko sya hinalikan ay kinakausap nya pa ako o di kaya'y tinatarayan. Mas gusto ko pang tarayan nya ako kaysa ganitong sobrang tahimik nya.
Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa iyon. Parang kusang kumilos ang katawan ko at sinunod ang gusto ng puso ko. Nabigla din ako sa mga nangyari.
Pero hindi ko rin naman pinagsisisihan ang ginawa ko. Alam ko sa sarili kong ginusto at gusto ang nangyaring iyon kaya bakit naman ako magsisisi?
Habang naglalakad kami sa lobby ng hotel dormitory ay nakasalubong namin ang mga kaibigan ko.
"Oh! Nate saan ka galing?" Maingay na tanong ni Kane at lumingon kay Fybs. "At kasama mo pa si Fybs. Nagdate kayo?" Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nya.
"Shut up Kane." Agad na saway ko.
Alam kong hindi tamang kantyawan nila kami ngayon gayong alam kong naiilang sa akin si Fybs.
"Uyy! Nagdate sila." Patuloy na pangangasar nya.
Sinamaan ko naman sya ng tingin. Agad naman syang siniko ni Sydney nang akmang magsasalita pa sya.
"Hi Fybs! How are you?" Nakangiting bati ni Sydney.
"I'm Okay." Tipid na sagot ni Fybs.
"Where's your friends?" Tanong naman ni Ellis.
"Don't know." Kibit balikat na sagot nya.
"Hello Fybsy! You look so gorgeous!" Matamis ang ngiting sabi ni Aiyanna.
"It's Fybs not Fybsy." Walang emosyong sabi nya.
"Yeah, I know. I'm sorry." Nakangiti pa ring sabi ni Aiyanna.
"Okay."
"Tss.😒" Sino pa ba ang mahilig magganyan? Edi si Ashton.
*-.-*
"Hi Fybs." Bati ni Walter. Tinanguan lang sya ni Fybs.
Ang sungit nya na naman. Tss. Kasalanan ko ito eh.
"Mauna na kami. I'll see you guys later." Sabi ko.
"Okay. Bye bye Fybs!" Parang batang sabi ni Aiyanna.
Hindi naman sumagot si Fybs at nagsimula na ulit maglakad. Tinapik naman ako ng mga kaibigan ko bago ako sumunod kay Fybs.
"Hindi mo ako kailangan ihatid. Kaya ko ang sarili ko." Sabi ni Fybs ng makapasok kami sa elevator.
"Okay lang. Nangako din ako sa mga kaibigan mong ihahatid kita eh." Nakangiting sabi ko.
"Kaya ko nga ang sarili ko." Walang emosyon nyang sabi nang hindi nakatingin sa akin.
"Oo nga pero ihahatid pa rin kita."
"Hindi na nga kailangan ang kulit mo."