Nate's POV
Naglalakad na kami papunta sa classroom namin ng may makasalubong kaming mga students na nagmamadaling tumatakbo palapit sa amin.
"King Nate." Hingal na hingal na sabi ng lalaking student.
"Bakit anong kailangan mo?" Kunot noo kong tanong.
"King Nate. Ang Esmeralde gang po!" Natatarantang sabi nya.
"Oh? Anong meron sa kanila?" Walang ganang tanong ko.
Ano namang gagawin ko sa esmeralde gang? Ang Esmeralde gang.. Ang grupong pinangungunahan ni Travis. Rank 8 strongest gang here in the campus. Symbolizes as Flaming ball or burning comet.
"Natalo po sila sa laban nila kanina at nandoon sila sa hallway at wala ng mga malay."
"Ano?! Bakit hindi nyo pa dinala sa hospital?!" Si Sydney.
Tama naman kasi ang pinsan ko. Bakit kailangan sabihin pa sa amin? Bakit hindi na nila agad dinala sa clinic or hospital? Tss. Mga walang utak.
*-.-*
"Nasaan sila?" Tanong ko.
"Tara po. Sundan nyo ako." Sabi ng lalaki at saka muling tumakbo.
Agad naman namin syang sinundan. Sino naman kaya ang nakalaban nila Travis? Wag nilang sabihing nagkakagulo na naman ang mga nasa ranking?
Habang tumatakbo ay may natanaw kaming kumpol ng mga estudyante. Sigurado ako na nandoon ang mga walang malay na grupo ni Travis.
Nang makalapit kami ay agad na nagsitabihan ang mga students kaya agad naming nakita ang kalagayan ng Esmeralde gang.
"Oh my gosh!"
"What happened here?"
"Grabe ito!"
Ilan lang yan sa mga komento ng mga kaibigan ko habang ako ito. Tulala at hindi makapaniwala sa aking nakikita.
May dugo sa sahig. Ang buong esmeralde gang ay nakalumpasay sa sahig at lahat ay walang malay.
"Oh my gosh! Zamara!" Gulat na gulat na sigaw ni Aiyanna.
Agad namang hinanap ng mata ko si Zamara at kahit ako ay hindi makapaniwala sa kalunos lunos na itsura ni Zamara.
Puno ng dugo ang mukha nya at ang uniform nya. Ang mukha nya ay hindi na halos makilala. Bali ang ilong.
"Anong nangyari dito?! Sino ang nakalaban nila?!" Galit na tanong ko sa mga students na kanina pang nakikiusyoso dito.
Lahat sila ay nagsiyukuan lang at hindi sumagot.
"Ano hindi kayo sasagot? O gusto nyo munang magaya sa kanila?" Banta ko.