Chapter 25

5.7K 161 3
                                    

Fybs POV

Gaya ng inaasahan ay bigo kaming umuwi sa kanya kanya naming dorm. Hindi namin nakita ang queen. Walang kahit na anong bakas na nanggaling siya doon sa araw na iyon.

"Mag isa ka na naman. Nasaan ang mga kaibigan mo?"

Nag angat ako ng tingin kay Jonathan nang bigla nalang siyang sumulpot sa tabi ko at naglapag ng chips at drinks sa lamesa.

"I want to be alone while reading. Ayokong maistorbo."

Sabi ko. Binuksan niya ang chips at drinks na dala niya at inabot ito sa akin.

"Oh, baka magutom ka."

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. Schedule niya ngayon. Sa araw na ito ay siya lang ang may karapatang manligaw sa akin para sa araw na ito.

"Wala sa itsura mo na mahilig ka palang magbasa."

Basag niya sa katahimikan. Nagkibit balikat lang ako.

"I'll pick you up at 8 o'clock. May pupuntahan tayo."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Are you asking for a date?" Kunot noong tanong ko.

Mahina siyang tumawa at umiling. "Nope." Ngiting sabi niya.

"Siguraduhin mo lang." Nakataas ang gilid ng labi kong banta.

"Yeah yeah." Natatawa pa siyang tumango.

Tulad nga ng sabi ni Jonathan ay sinundo niya ako sa dorm ng eight o'clock.

Naka all black lang ako. Crop top, rip jeans at converse. Tinali ko rin ang mahaba kong buhok. Hindi ko na hinayaang pakealaman ako ni Irish gaya nung ginawa niya nung nakaraan kaya nakasimangot siya hanggang sa makaalis kami ni Jonathan sa dorm.

"Ang cute niyo magtalo ni Irish. Ganon ba talaga kayo?" Nakangiting sabi niya habang minamaneho ang kanyang kotse.

"Oo." Tanging sagot ko. "Saan ba tayo pupunta?" Hindi ko mapigilang itanong.

"You'll know later."

Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa aming pupuntahan. Dumaan kami sa masukal na gubat sa loob nitong LA hanggang sa may maaninag na akong liwanag.

Agad ko iyong tinanaw. Nakita ko ang dalawang palapag na gusali na purong puti ang kulay na siyang nakakadagdag sa liwanag mula sa ilaw.

Pagkapark niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto at iginiya papasok sa loob.

"Good evening, ma'am, sir." Bati sa amin ng babae doon sa reception.

"Good evening. Where's Tim? He expecting us to come." Pormal na tanong ni Jonathan sa babae.

"Jonathan!"

Sabay naming nilingon ang lalaking tumawag sa kanya. Nakataas ang kamay nito at nakangiting kumakaway.

"Tim!" Ani Jonathan.

Lumapit ang lalake at nagyakapan silang dalawa. Ang lalaki ito ay mas matangkad sa akin. Malaki at brusko ang katawan pero hindi naman nakakaasiwang tignan. Nakablack na polo ito at brown na tokong.

Luther Academy: School Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon