Chapter 44

4.2K 130 3
                                    

Sydney POV

Until now hindi pa rin nagigising si Aiyanna. At hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan at itsura niya ngayon.

Sa dami kasi ng sugat, pasa at nawalang dugo sa kanya ay nasa comma state siya ngayon.

Naawa nga ako kay Ashton, eh. Sobrang laki ng ipinayat niya. Bumagsak na ang katawan niya dahil sa puyat at kulang sa pagkain.

Kung si Nate ay todo bantay na kay Fybs ay triple ang pagbabantay at pagpupuyat ni Ash para lang mabantayan niya si Yanna.

Naalala ko yung gabing dinala namin dito sila Fybs at Yanna then the doctor announced that Yanna is in comma state.

>>F L A S H B A C K S<<

"Doc. How's the patient?" Salubong ni Ash sa doctor pagkalabas palang ng OR.

"What is your relationship with the patient?" Tanong ng doctor.

"Fvck! I'm her boyfriend!" Pasigaw niyang sagot sa doctor.

Agad naman akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa balikat para pakalmahin.

Alam kong nag aalala siya kay Aiyanna, alalang alala. Ganon naman din ako eh, pero hindi makakatulong sa sitwasyon ngayon kung magpapadala siya sa emosyon niya. I'm sure hindi siya magiging open sa kung ano man ang maaaring sabihin ng doctor kung ganyan siya.

"Calm down, Ash." Bulong ko sa kanya.

Nung una ay sinamaan niya lang ako ng tingin pero kalaunan ay mariin siyang pumikit at huminga ng malalim saka muling hinarap ang doctor.

"Doc. How's the patient. I'm her friend." Magalang na tanong ko sa doctor.

"She's in stable condition now but she's in comma due to the lose of so much blood in her body." Mahinahong sabi ng doctor.

Naramdaman kong nag init ang gilid ng mga mata ko dahil sa narinig. Biglang bumagsak ang kamay kong nakapatong sa balikat ni Ashton and the next thing I know is he's already punching the wall hard and mercilessly. Kung titignan mo siya ay aakalain mong malaki ang atraso sa kanya ng pader dahil sa mga suntok na pinapakawalan niya. Parang gusto niyang patayin yung pader, if that's possible.

Luther Academy: School Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon