Chapter 6

11.2K 298 18
                                    

Fybs' POV

"What the fvck?!" Napabalikwas kami ng bangon ni Hiro nang buhusan kami ng malamig na tubig ni Irish! "What the hell with you?!" Galit na galit na tanong ko.

Poker face lang ang maldita habang nakasandal sa dingding at hawak ang isang maliit na panggana.

"Wooh! Ang lamig!" Nanginginig na sabi ni Hiro.

Literal na napakalamig talaga ng tubig na binuhos sa amin ng malditang Irish dahil may yelo pa akong nakita dito sa kama! Gaga talaga itong babaeng ito eh!

"That's what you get for waking up late. 15 minutes nalang at simula na ng klase. Dapat nga magpasalamat pa kayo dahil nakainstant ligo na kayo eh." Nakangising sabi ng maldita.

"Fvck you, Irish!" Singhal ko sa kanya.

"Tss. Ang dudumi nyo kasing dalawa! Maligo na nga kayo!" Singhal nya sa amin at lumabas ng kwarto.

"Aba't gagang yun!"

"Hayaan mo nalang babe. Maligo ka na. Doon na ako maliligo sa banyo ni Irish para makapasok na tayo." Nilalamig pa ring sabi ni Hiro.

Oo partida sa Japan pa yan nakatira pero sorbang lamigin yang lalaking yan. Minsan nawiwirdohan na ako dyan eh. Grabe kasi. Imagine sa Japan may snow pero doon pa sya nakatira at mabilis pang lamigin ang loko. Di ba dapat sanay na sya sa lamig? Tss.

Hindi ko nalang sya pinansin at dumeretso sa banyo at naligo. Agad kong hinubad ang damit ko matapos ilock ang pinto.

Pagtapos maligo ay agad akong nagbihis at naghanda sa pagpasok. Wala naman akong kaartehan sa katawan kaya mabilis lang akong natapos sa paghahanda.

Nang lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa dinning room ay naabutan ko na silang nag aalmusal. Agad akong sumabay sa kanila.

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos. "Tara na. Mamaya may pupunta dito para palitan yung basa mong kutson." Seryosong sabi ni Irish habang palabas kami ng dorm.

"Dapat lang. Kundi papalunok ko sayo ang basang kutson na yun." Ismid kong sabi.

"Baka kaya mo?" Nakangising sabi nya.

"Bakit hindi ba?" Nakangisi ko ding sabi.

Hindi naman na sya sumagot. Alam kong alam nyang kaya kong gawin lahat ng sinasabi ko kaya siguro hindi na sya sumagot.

◇◆◇

Habang nasa hallway ng school ay marami pa ring students na pakalat kalat at pinagbubulungan kami. Nagtataka lang talaga kung bakit parang gulat na gulat ata sila. At first time lang nangyaring nagbubulungan sila pero hindi ko marinig ang pinagbubulungan nila. Dati kasi kapag bumubulong sila ay halos isigaw na nila ang mga sinasabi nila pero ngayon ay talagang bulong na ang ginagawa nila.

Luther Academy: School Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon