Chapter 28

4.9K 150 4
                                    

Fybs POV

Nakahanda na ang lahat. Nandito na ang ibang mga kaibigan ni Nate maliban nalang kay Ashton at Aiyanna.

Nang marinig naming may kumatok ay agad nang sumenyas si Sydney na tumahimik. Pinatay na rin nila ang ilaw.

"Bakit ang dilim? Wala ata sila dito, Ash." Dinig ko ang malamlam na boses ni Aiyanna nang makapasok na sila ni Ashton sa dorm.

Pinaputok na nila ang dalawang confetti kaya napatili sa gulat si Aiyanna. Binuksan nila ang ilaw at agad na napatakip sa bibig niya si Aiyanna.

"Happy birthday to you.. Happy birthday to you.." Kanta namin.

Lumapit sa kanya si Sydney dala ang cake habang patuloy pa rin kami sa pagkanta.

Tahimik na naiyak si Aiyanna habang nakangiti. "Happy birthday, Aiyanna..." Tapos namin sa kanta.

"Make a wish, Yanna." Ngiting sabi ni Sydney.

Ngumiti naman si Aiyanna at pumikit. Ilang sandali ay dumilat siya at hinipan ang kandila.

"Wooh!"

"Happy birthday, Aiyanna!"

Napuno ng ingay ang buong dorm namin. Nagsilapitan sila kay Aiyanna para bumati at iabot ang mga regalo nila.

"Salamat. Salamat." Walang tigil sa pagluhang sabi ni Aiyanna.

"Baby, stop crying." Malambing na ani Ashton at pinahid ang mga luha sa pisngi ni Aiyanna.

Tumango si Aiyanna at ngumiti sa kanya saka mabilis na idinampi ang mga labi nila. Napangiwi ako. Tss.

"Sinong nakaisip nito?" Mayamaya'y tanong ni Aiyanna.

Tumingin pa siya kay Ashton, umaasang ito ang nakaisip na surpresahin siya. Umiling ang nobyo niya at nag iwas ng tingin. Lahat naman ng nakakaalam ay tumingin sa akin at nagbigay daan.

"Si Fybs ang nakaisip na surpresahin ka." Ngiting sabi ni Kane.

Tumikhim ako at naglakad palapit sa kanya. Kitang kita ko kung paano na naman siyang nagteary eye habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Happy birthday." Ngiti kong inabot sa kanya ang regalo ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong dambahin ng yakap at humagulgol sa balikat ko

"Thank you, Fybs. I didn't expect this to you." Iyak niya.

"Well, who would expect this. She's so cold." Kibit balikat ni Kane. Binatukan siya ni Sydney.

"Hoy Kane! Kahit ganyan yang kaibigan ko eh maeffort yan lalo na sa kaibigan!" Singhal ni Irish kay Kane.

Nagningning ang mga mata ni Aiyanna nang humiwalay sa pagyakap sa akin. "Ibig bang sabihin ay kaibigan na ang tingin mo sa akin?" Masayang ani Aiyanna.

Nilingon ko si Irish at matalim na tinignan. Nginitian niya lang ako at nagpeace sign.

"Siguro." Kibit balikat ko.

Luther Academy: School Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon