Chapter 1

221 10 5
                                    

Ares' Pov

'Umaga nanaman at panibagong araw na naman para mag-aral kahit bakasyon.'

Pagkagising ko yan agad ang pumasok sa isip ko. Nasanay na kasi ako na tuwing gigising ng umaga maliligo kakain at mag-aaral yan ang daily routine ko. Pero kapag sinisipag ako may oras pa na nage-excercise ako at nagjo-jogging pag umaga pero kadalasan ay tinatamad ako.

Buwan ng Mayo ngayon at nararamdaman ko pa rin ang init sa katawan ko kahit na naka aircon kaya naman bumangon na kaagad ako at pumasok sa C.R.

Pagkatapos kong maligo at magsepilyo ay bumaba na kaagad ako sa kusina para mag breakfast. As usual, sumalubong sakin si Yaya Nilda. Siya ang parang tumayong pangalawang nanay ko dahil masyadong busy si Mommy at Daddy sa trabaho nila sa America. Pareho silang nagtatrabaho sa isang sikat na magazine company kaya naman madalang lang silang makauwi. Minsan ay tuwing holidays at kapag may special occasions lang sila umuuwi dito. Pero hindi naman ako tulad ng ibang anak na matampuhin sa magulang dahil kesyo di daw sila mahal kasi mas gusto sa ibang bansa o ibang lugar kesa sa tabi nila. Para sakin sila ang best parents dahil kahit na malayo sila sa akin ay ramdam ko pa rin ang suporta nila sa akin.

"Yaya, Aalis lang po ako ah? Gusto ko lang mag-excercise kahit konti." paalam ko kay yaya.

"O siya sige Ijo, wag ka masyadong magpapapagod ah? Ingat!"

Kumaway nalang ako kay yaya habang naglalakad palabas ng bahay. Habang naglalakad ako ay naghahanap ako ng magandang ikutan para mag-jogging. Nakarating ako sa isang parte ng subdivision na malawak at mahangin kaya naman dito na ako nag-jogging. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng pagod kaya huminto na muna ako at habol ang hiningang nilingon ang paligid. Hindi ko na alam kung nasaan na ako kaya naman ganon nalang ang pagka-mangha ko ng makita ang isang garden sa tabi ko. Maganda iyon at napapalibutan ito ng magagandang puno, halaman at bulaklak at merong mesa sa gitna nito kaya naman pumunta ako doon at naupo. Sandali pa akong nagpalingalinga sa paligid habang patuloy na namamangha dahil sa kagandahan ng lugar. Oo ako yung tipo ng lalaki na mahilig sa mga halama't bulaklak hindi ko alam pero parang napaka-relaxing sakin ng mga puno at bulaklak pakiramdam ko ay nasa paraiso ako. Mahilig kasi ako sa mapayapang lugar.

Ngunit may nakaagaw sa aking atensyon habang lumilinga sa paligid at ganon nalang ang pagkamangha ko ng may makita akong isang babaeng naglalakad kasama ang kanyang asong maliit, Ang ganda nya... sobrang ganda... di siya sobrang tangkad pero hindi rin siya sobrang liit, sakto lang. Ngunit hindi siya tulad ng ibang babae na kahit walang tao sa paligid ay nakangiti at talaga namang kitang kita sa mga mata ang kasiyahang nadarama, Siya ay walang emosyon na naglalakad tanging sa daan lamang nakatuon ang kanyang paningin animong sa sobrang lalim ng iniisip ay hindi niya napapansin ang pag ikot at pagtakbo ng oras. Pero ganon nalang ang gulat ko ng tumakbo papalapit sa akin ang aso niya ng mabitawan niya ito. Halos mapatalon ako sa gulat ng dahil dun. Allergic ako sa aso, hindi naman sa ayaw ko sila pero iba talaga ang epekto sakin ng mga balahibo nila.

Agad na napatakbo ng kalmadong kalmado papalapit sakin ang babae na naglalakad kanina ng walang reaksyon at kinuha ang aso niyang nakapatong sa hita ko.

"Arf! Arf!" animong excited na tahol sakin ng aso.

"Snappy halika dito.." kalmadong tawag ng babae sa kanyang alaga, Agad namang sumunod ito sa amo at tumakbo papalayo sa akin.

"Sorry." sabi ng babae.

Napatingin naman ako sa kanya nakayuko lang siya at nakatingin sa aso niya na nagpapaikot ikot sa paa niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot sa kanya.

"Ok lang!" sagot ko, sinadya kong medyo lakasan para tumingin siya sakin dahil gusto ko ulit makita ang mukha niya pero nabigo ako dahil tinanguan niya lang ako at naglakad papalayo.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon