Chapter 30

13 4 0
                                    

Ares' Pov

After kong maghilamos at ayusin ang sarili ko ay bumalik na kaagad ako sa table namin at saka tahimik na naupo. Nagsimula na rin namang kumain si Miah kaya hindi niya na muna ako kinausap.

Dahan-dahan lang ang pagkain ko dahil pinapakiramdaman ko rin ang paligid ko. Walang nagsasalita kahit isa. Puro kubyertos lang ang naririnig ko.

"So Ares, how's your school?" pagbasag ni Tita Ella sa katahimikan. Napalunok naman muna ako ng pagkain bago sumagot sa tanong niya.

"Okay lang naman po." nakangiting sagot ko, napatango-tango naman siya.

"You know what, Ally, I heard so many good feedbacks about Ares' current school. Sa tingin mo ba, totoo lahat ng yun?" biglang tanong ni Tita Ella kay mommy. Masaya namang tumango si mommy.

"As what I've observed, mukhang totoo naman dahil naging mabuting anak naman si Ares while he is studying there." nakangiting paliwanag ni mommy kaya napatango-tango nalang ulit si Tita Ella. Nagpatuloy na ako sa pagkain ng bigla ulit magsalita si Tita.

"I am planning to transfer Miah kasi, eh. Would you mind kung papasukin ko din si Miah sa school ni Ares? Then, I would like to request din na kung pwede ay magkaklase sila ni Miah. Kasi you know, mahiyain yung anak ko and she don't usually socialize with people so, naisip ko na mas maganda kong pagsamahin sila ni Ares. Isn't a great idea?" mahabang paliwanag ni Tita Ella kaya naman bigla akong nabilaukan. Agad akong inabutan ni Miah ng tubig kaya ininom ko na kaagad ito. Ilang minuto pa bago ako maka-recover ng ma-realize ko ulit yung sinabi ni Tita Ella.

No, hindi pwede. Once na pumasok na si Miah sa school na pinapasukan ko, I can't bond with Kylix anymore. Kasi for sure, didikit ng didikit sakin si Miah, and that was so disgusting. Maisip ko palang na makakasama ko siya sa iisang kwarto ay parang sinasakal na ko.

"That was a great idea, Ella! Para na rin mas maging close silang dalawa at saka, I don't want Ares to be alone forever. He never had a friend pa kasi so I think, makakabuti din kay Ares na makasama si Miah para hindi na laging mag-isa ang baby ko." masayang pag-sang ayon ni mommy. Napatampal naman ako sa noo ko at napapikit nalang ng mariin.

'Aish, dapat pala hindi nalang ako sumama sa dinner na 'to eh. Hay.'

"Mom and Tita Ally is right! I also want to leave PU. Nagiging toxic na ang mga Polluxians." suhestusyon niya pa sabay irap marahil naalala niya yung mga 'toxic' na sinasabi niya. Tumango naman si daddy at Tito Alex.

"I agree with that. Mas mabuting doon na nga lang siya sa Castor dahil mas malapit lang din yun sa atin." pag-sang ayon pa ni Tito Alex na nakapagpatango din kay daddy. Mukhang buo na ang desisyon nila.

"That's great! So bukas dapat Miah hija, ayusin mo na ang lahat ng school requirements na kakailanganin mo. You'll transfer to Castor as soon as possible. Malapit ng mag-2nd grading kaya kailangan makahabol ka before their quarter exam." bilin ni Tita kay Miah, ngiting-ngiti namang tumango sa kanya si Miah.

"Got it, mom!" masayang sabi niya at saka agad na naglean sakin para bumulong.

"I'll watch your actions everyday, Baby Ares." mapang-akit pang sabi niya at saka nag-chuckle bago lumayo. Na-cringe naman ako sa sinabi at ginawa niya kaya dumistansya na ako sa kanya.

'Baliw na ata ang babaeng 'to.'

Napatulala na lamang ako sa kawalan ng ma-realize ko na talagang lilipat na si Miah sa Castor. Kailangan ma-enjoy ko na kaagad ang mga araw na wala siya. Kailangan ienjoy ko na ang mga natitirang araw kasama si Kylix. Since today is Saturday, baka pwede kong yayain bukas si Kylix na lumabas? Medyo close na naman kami di ba? Hay.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon