Zeus' Pov
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko matapos kong mailayo ang labi ko sa kanya. Pareho pa kaming naghahabol ng hininga ng dahil sa tagal ng kiss na yun.
Dahan-dahan ding minulat ni Kylix ang mga mata niya at wala akong ibang makita dun kundi galit at dismaya kaya naman naiiwas ko agad ang paningin ko.
Inaasahan ko na ang susunod na mangyayari pero nagulat pa rin ako. Sinampal niya ako kaya naman napatingin pa ko sa kanang gawi ko. Batid kong nanginginig ang kamay niya dahil nakikita ko iyon sa gilid ng paningin ko.
"B-bakit?" nanggigigil na tanong niya sa akin habang nasa ere pa rin ang kamay niya na dahan-dahan niyang sinarado na para bang nagpipigil siya ng galit.
Hindi ako sumagot sa kanya, nanatili lang akong nakababa ang tingin.
"Sagutin mo ko, Zeus! Bakit mo ginawa sakin yun? Wala ka na ba talagang respeto sakin?" madamdaming tanong niya kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata niya. Para namang nilamukos ang puso ko ng dahil doon.
'Damn it, Zeus! Nabastos mo siya!'
Inangat ko ang paningin ko sa kanya at binigyan ko siya ng nagmamakaawang tingin.
"P-patawarin mo ko, Kylix. I-i'm so--"
"No, Zeus! Wala ng magagawa yang sorry mo. Nangyari na eh. Nahalikan mo na ko. Hindi na mabubura niyang sorry mo yung halik mo." walang emosyong sabi niya at saka ako mabilis na tinalukuran at lakad takbong umalis.
Napasabunot naman ang ako sa buhok ko at saka wala sa sariling napaluhod.
"Damn it!!" buong lakas na sigaw ko para mailabas ang inis ko para sa sarili ko.
Napaupo nalang ako at tumulala habang iniisip ang dahilan kung bakit ko nga ba ginawa yun.
Alam kong magseselos ng todo si Ares kapag nakita niya kaming nasa ganoong posisyon. Pinlano ko ang lahat ng 'to nung nakita kong nakatingin samin si Ares ng pumasok kami sa cafeteria.
Muli akong napayuko at napahilamos sa mukha ko.
'Ginawa ko lang naman 'to para iganti ka, Kylix. Alam kong nasasaktan ka sa nakita mo kaya naman gumawa ako ng paraan para maparamdam mo din sa kanya ang sakit na nararamdaman mo kapag may iba siyang kasama.'
Muli ay napatitig ako sa kawalan ng dahil sa wala kong kwentang dahilan na ngayon ko lang na-realize.
'Nabastos ko siya.. at mukhang hindi yun ganon kadali mawawala sa sistema niya.'
Naihilamos ko nalang ulit ang palad ko sa mukha ko dahil sa sobrang inis sa sarili ko.
'I'm sorry, Kylix. I'm sorry.'
Kylix's Pov
Tumutulo pa rin ang mga luha ko habang naglalakad ako palayo sa garden kaya marahas ko itong pinunasan, ganon na rin ang labi ko.
"Kingina, Zeus. Kingina." nanggigigil na bulong ko habang madiin na pinupunasan ang labi ko. Pucha kasi! First kiss ko yun eh, tapos siya lang nakakuha?? P*t*ngina.
Naramdaman ko nanaman ang luha na nagbabadyag tumulo sa mata ko kaya agad ko ulit iyong pinunasan at saka ako patakbong pumunta at sumakay sa kotse ko.

BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Fiksi RemajaNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...