Kylix's pov
Nagmulat ako ng mata at tinignan ang orasan, alas otso na ng umaga kaya naman bumangon na kaagad ako para maligo. Unang araw ngayon ng pasukan kaya naman medyo excited na ako. Hindi dahil sa new classmates and new school kundi dahil sa lessons. Gustong gusto ko ng mag-aral dahil nung bakasyon ay di manlang ako nakapag-review dahil lagi nalang akong may photoshoot.
Agad na akong bumangon at nagpunta sa bathroom para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nag-lagay ng konting make up sa mukha para mas mukha presentable.
Pagbaba ko sa kusina ay nakahain na ang pagkain at nandoon na rin sila mommy at daddy. Pumunta ako sa kanila at nakipagbeso, Napabuntong hininga nalang ako dahil sa nakasanayang batian. Minsan lang kami nag-uusap usap dahil nga pareho silang busy. Si daddy ay may pagkastrict, pero sweet at caring din naman siya minsan. Si mommy naman ay sweet din sa akin kaya naman halos siya lang nakakausap ko ng ayos about sa pangyayari sa buhay ko. Pero kahit na ganon sila sakin ay may oras din na nahihiya akong mag open ng problema ko sa kanila. Lagi naman nilang sinasabi sa akin na wag akong mahihiyang kausapin sila pag kailangan ko ng tulong pero mas pinipili ko nalang na sarilihin. May time lang talaga na tahimik sila dahil sa trabaho. Doctor ang mommy ko, isa syang psychiatrist at ang daddy ko naman ay isang engineer. Kaya naman madalang ko lang silang makasama.
"Are you ready, anak?" tanong ni mommy.
"Yes, mom." sagot ko.
"Nice to hear that!" nginitian ko nalang siya.
"Kylix anak, mamaya wala kami ng mommy mo dahil siya ay may patient at ako naman ay may bagong project kaya kailangan kong pumunta doon. Kung may kailangan ka sabihin mo nalang mamaya kay yaya." paliwanag ni dad, Napabuntong hininga nalang ako at saka tumango.
Pagkatapos kong kumain ay tinawag ko si Mang Mario na agad din naman pumunta papalapit sa akin.
"Ah Mang Mario, pakiready na po nung kotse, Salamat." utos ko.
"Sige po ma'am, masusunod!" sagot niya, agad na siyang tumakbo papunta sa kotse at pinaandar ito.
Sumakay naman ako kaagad sa may bandang likuran ng kotse. Habang na-byahe ay di ko maiwasang mag-isip ng mga mangyayari. Ngayon lang ako lumipat ng school dahil simula primary ay iisa lang ang school na pinapasukan ko. Sa school na pinanggalingan ko ay sikat ako. Isa ako sa mga campus crush pero ang pinagkaiba ko sa mga campus crush na mga babae ay hindi ako kasing ingay at mabulgar nila kasi di ako yung tipo ng campus crush na may pagka-bitch? Or let's say na di pa ako masyadong kinakain ng fame, Kasi di ako yung tulad nila na kapag naglalakad sa hallway eh akala mo nagiintroduce ng isang product kung rumampa saka, hindi ako kasing war freak nila. Oo may times na napapaaway ako pero not physically but verbally. Hindi ako nananakit kung di naman kinakailangan pero kadalasan babae lang ang nakakaaway ko at iisa palang ang lalaki, pero 1st year palang ako nun, 2nd year lumipat na siya sa ibang school. Di ko alam kung saan pero di ako interasado tss. Masyado siyang immature, simpleng bagay pinapalaki. Nakakainis pero at least, medyo nabawasan ang galit ko sa kanya ngayon dahil na din siguro sa panahon na lumipas. 4th year highschool na ako kaya naman kailangan ko na talagang pagbutihan 'to kasi syempre, graduating na din ako.
'Hay, sana maging maayos ang first day of school ko.'
Ares' Pov
Pagkalabas ko ng bahay ay agad na akong nagmaneho papunta sa school. Sa labas palang ay marami ng estudyante kaya naman di ko malaman kung saan dadaan papunta sa parking lot. Bumusina ako ng marahan pero sinigurado kong maririnig ng lahat. Ngunit nabigo ako dahil para lang silang mga estatwa na akala mo ay walang narinig kaya naman bumusina ulit ako ng mas malakas kumpara kanina at doon lang sila natinag. Ang iba'y inis pang umiwas sa daraanan ko akala mo'y sila ang may ari ng kalsada.
BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Teen FictionNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...