Hi UG readers! istorbo ulit hehe, Ito na nga pala ulit yung face claim ng family relatives ni Zeus sa chapter na 'to.
Chloe Zephaniah M. Fortuno is the younger sister of Zeus Fortuno. Isa siyang 3rd year student, Lumaki siya sa Korea kasama ang pamilya niya ganon na din si Zeus pero nagkahiwalay lang sila pagdating ng highschool dahil sa hindi inaasahang trahedya na nangyari sa buhay nila. Sa Japan siya pinagaral ng daddy at lola nila at si Zeus naman ay sa Pilipinas, Mas naunang umalis si Zeus dahil mas nauna din siya mag highschool. Lagi silang mag kaaway ni Zeus pero sweet din naman minsan. May pagka mataray din siya kaya naman di sila magkasundo ni Zeus, may oras din naman na mabait siya sa pamilya at kuya niya. Half Japanese at Half Filipino ang nanay niya kaya naman nananalaytay pa rin sa kanila ang pagiging japanese.
Si Triton I. Fortuno ay ang tatay nila Zeus at Chloe. Isa siyang striktong tatay dahil na rin sa posisyon niya kaya naman hindi niya masyadong nakakahalubilo ang kanyang mga anak. Palagi niyang napapagalitan si Zeus dahil sa ugali nito simula ng magbago ang buhay nila. Pero hindi niya pa rin maitatanggi ang higit na pagmamahal niya sa kanyang mga anak. Lagi lamang siyang sumusunod sa mga utos ng kanyang ina walang iba kundi ang lola nila Zeus. Kaya naman ganon nalang ang takot nila sa tatay nila.
Si Evelyn I. Fortuno naman ay ang lola nila Zeus at Chloe. Siya ang lola nila Zeus na talagang kinakatakutan nila dahil sa anggkin nitong kastriktuhan kaya naman bawat galaw nila Zeus ay detalyado pag siya ang kasama. Siya ay isang half korean at half russian pero mas nangibabaw sa dugo niya ang dugong korean na siyang napasa sa dugo nila Zeus at Chloe. Half Korean at Half Filipino ang kanyang napangasawa kaya naman talagang mas nangibabaw sa kanilang lahi ang pagiging koreano. Sa Korea na din sila lumaki at gumawa ng pamilya ng kanyang asawa na lolo nila Zeus. Ang lolo nila Zeus ang pinaka naging close nilang magkapatid kaya naman grabe nalang ang sakit na kanilang pinagdaanan ng mawala ito.
A/N:
Hindi ko na po iibahin yung mga portrayers na yan. Actually si Chloe (momo) lang ang kilala ko, haha! Sa google ko lang din nahagilap yung 2 portrayers. Maglalagay nalang po ako ng cast soon! ^_^
Dont forget to vote and comment for more updates!
^__^
BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Novela JuvenilNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...