Chapter 17

18 6 2
                                    

A/N:

At dahil birthday ngayon ni author, meron akong munting regalo sa inyo! So this is it na guys, Enjoy Reading!

Ares' Pov

Pagkarating ko sa bahay ay sumalubong agad sa akin si yaya Nilda.

"Ares, Ba't ngayon ka lang? Ginabi ka yata?" takang tanong sakin ni yaya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Nag-coffee lang po ako at saka nagpahangin saglit." nakangiting sabi ko. Tumango-tango naman si yaya.

"Ah ok, nagugutom ka ba? Kumain ka na muna kaya?" alok sakin ni yaya. Tumango nalang naman ako at saka sumunod sa kanya papunta sa kusina.

Pagdating sa kusina ay akmang aasikasuhin ako ni yaya kaya pinigil ko na kaagad siya dahil kaya ko naman. Tumango nalang naman siya at saka lumabas ng kusina para pumunta sa sala.

Kumuha na ako ng ulam at kanin ko at saka ako nagsimulang kumain. Mabagal lang pag-nguya ko habang nakatulala, blanko lang din ang isip ko.

Habang ngumunguya ako ay aksidente kong nakagat ang dila ko kaya naman bigla akong napabalik sa wisyo.

Uminom ako ng tubig at saka medyo pinaypayan yung dila ko.

Napabuntong hininga naman ako at saka nilapag yung spoon and fork na hawak ko at saka nagpangalumbaba nalang, feeling ko nawalan na ako ng gana.

Napakaboring ng buhay ko, masyadong common. Parang may cycle lang yung buhay ko, paulit-ulit.

'Mag-girlfriend na kaya ako?'

Napanguso naman ako dahil hindi ko naman alam kung paano ako magkakaroon ng girlfriend.

Biglang may pumasok na ideya sa isip ko kaya bigla akong napatayo sa upuan dahilan para tumama yung tuhod ko sa lamesa.

"Argh! A-ah!" daing ko habang namimilipit dahil parang kinuryente yung tuhod ko.

"Ano nga ulit yung naisip ko?"

Saglit pa akong natigil sa ganong pwesto saka ko lang naalala yung naisip ko.

"Ayun! Si daddy, pwede niya akong tulungan!" masayang sabi ko at saka iika-ikang naglakad palabas ng kusina para pumunta sa kwarto ko.

Napatingin sa akin si yaya ng makita niya akong iika-ika lang lakad.

"Oh, Ares? Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong sakin ni yaya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Natama lang po sa lamesa, hehe." sabi ko habang hinihimas yung batok ko.

"Ay nako! Ikaw talagang bata ka, ayaw mo kasing mag-ingat eh." sabi ni yaya.

"Hehehe!" tanging sagot ko nalang habang napapakamot sa ulo.

"Oh siya sige, aakyat ka na ba sa kwarto mo? Kailangan mo ba ng tulong?" alok sakin ni yaya, Agad naman akong umiling.

"Hindi na po, kaya ko na." nakangiting sabi ko. Tumango nalang si yaya at saka bumalik sa ginagawa niya.

Humakbang na ako sa hagdan pero biglang kumirot yung tuhod ko kaya napadiin yung pagkakakapit ko sa may hawakan.

Ilang beses muna akong huminga ng malalim saka ako nagpatuloy sa pag-akyat at tiniis ang sakit.

Bigla akong napaupo ng makarating na ako sa 2nd floor.

"Hay! Buti nakaraos na ako." hinihingal na sabi ko habang pinupunasan yung pawis ko sa noo.

Dahan-dahan ulit akong tumayo at saka naglakad papunta sa kwarto ko.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon