Kylix's Pov
"Hey, Kylix! It was nice to see you again." sabi niya habang may mapait na ngiti sa akin na parang di pa rin siya makapaniwala na nandito ako.
"By the way, masaya akong nandito ka."
'The feelings is not mutual, tss.'
"What brought you here?" tanong niya pa.
'Tss, malamang para mag-aral. Tuleg.'
"I'm here to study, not to talk to you. " kaswal na sagot ko.
"Ohh! Interesting huh?" sarcastic na sabi nya.
Tinignan ko nalang siya at muling tumingin sa harapan, Ayoko ng away kaya naman ako nalang ang iiwas tutal mas matino pa ang isip ko sa kanya, tss.
Maya-maya lang ay marami na ri'ng pumasok pang ibang mga teachers para magpakilala, Kaya naman maya't maya din ang pagpapakilala namin. Di ko inaasahan na first day na first day may magdi-discuss na kaagad kaya naman wala nalang akong choice kung hindi ang makinig sa sinasabi ng teachers.
Discuss
Discuss
Discuss
'LUNCH BREAK'
Grabe nagutom talaga ako sa haba ng oras ng paglelesson. Lahat ng subjects ay 50 minutes ang time except sa computer at values na 30 minutes lang.
Habang naglalakad ay inililibot ko ang paningin ko sa buong campus para hanapin ang cafeteria at hindi naman ako nabigo dahil nahanap ko din yun sa may dulo ng hallway, Kaya naman agad na akong naglakad papunta roon.
Ngunit sa pagpunta ko doon ay may bigla akong may nakabanggaan kaya naman nahulog ang lahat ng gamit niya, sandali pa siyang nakatitig sa mga gamit na nahulog bago niya pinulot iyon. Sandali ko din siyang tinignan saka siya tinulungan na kunin ang mga gamit niyang nahulog.
"Gosh girls, Look at her! Ba't niya tinutulungan si Ares?!"
"Obviously nahulog niya yung gamit ni Ares! Common sense naman, Sai!"
"I know right? But I mean yung something like that na.. Ugh! Baliktad sila imbes na yung girl yung nerd siya pa yung may pa ganyan na scene!"
'Eh? Ano bang problema nila at ganyan sila makapag react? Tss, Mga OA.'
"Syempre para unique, pabida eh. "
Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana at talagang pinagtatagpo pa kami. Siya nanaman, SI ZEUS!
Sandali pa akong bumuntong hininga bago ako tumingala para makita siya, Nakita ko siyang naka-crossed arms at diretsong nakatingin sakin.
"Omg! Omg! Bessy, katabi ko si Zeus! Ang bago nya grabe!" kinikilig na sabi nung babae sa tabi niya habang hinahampas pa yung kaibigan niya. Napairap nalang ako sa kawalan.
"Shut up!" inis na singhal sa kanya ni Zeus.
Maya-maya lang ay tumingin na ulit siya sakin at nginisian ako na akala niya maaasar niya ako sa ganong paraan, Pero syempre di ako nagpatinag, Tumingin ako ng diretso sa mata niya at bahagyang tinabingi ang ulo na parang pinag-aaralan ang bawat anggulo ng kanyang mukha saka siya nginisian. Unti-unting nawala ang ngisi sa mukha ni Zeus at saka napalitan ng mukhang naaasar pero di ko na siya pinansin pa, tinuon ko nalang ang paningin ko sa lalaking nabangga ko.
Sandali ko siyang tinignan at nagulat pa siya nung makitang nakatingin ako sa kanya. Bahagya siyang natigilan at napatitig din sakin.
"Are you ok?" tanong ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Teen FictionNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...