Chapter 19

17 5 1
                                    

Zeus' Pov

'Tangina! Puta! Kingina! Putragis! Punyeta, lahat na ng mura!'

Napasabunot nalang ako sa buhok ko sa sobrang inis. Naiinis ako sa sarili ko kanina. Ang oa ko, tsk.

"Tumigil ka na nga sa kakaisip about dun sa nangyari kanina. Yung pagkain mo oh, nilalangaw na." sabi sakin ni Caerus, inis naman akong napatingin sa kanya at padabog na hinampas itong lamesa dito sa cafeteria, napatingin sa akin yung mga estudyante dito sa canteen kaya mas lalo akong nainis.

"Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Kumain nalang kayo diyan, mga deputa!" sigaw ko sa kanila, nagsiiwasan naman sila ng tingin.

Bigla akong binato ni Caerus ng bottled water kaya inis akong napatingin sa kanya.

"Ano nanaman ba!?" galit na sigaw ko sa kanya. Sumama bigla yung tingin sakin ni Caerus.

"You're too violent, asshole! Nagiging wild ka nanaman, kung ano ano nanaman ang lumalabas sa bibig mo. Your words are too censored. " galit na sabi niya sakin, medyo kumalma naman ako dahil sa galit na mga mata ni Caerus. Parang kuya ko na rin 'to minsan kaya natatakot akong kalabanin siya.

"Tss." nasabi ko nalang at saka padabog kong kinain yung lunch ko dahil nababadtrip pa ako sa ginawa ko kanina.

Nasa kalagitnaan ako ng pag kain ng biglang magsalita si Caerus.

"Nababadtrip ka lang ba talaga dahil sa inakto mo kanina? O dahil sa nangyari kanina?" tanong ni Caerus habang kumakain at hindi tumitingin sakin. Napakunot naman ang noo ko.

"What do you mean?" kunot noong tanong ko. Ngumisi naman siya habang nakatingin pa rin sa pagkain niya.

"You know what I mean, Zeus. Don't act like you're innocent." parang siguradong-sigurado na sabi sakin ni Caerus. Mas lalong napakunot ang noo ko pero hindi na ako nagtanong pang muli.

"Hey girls, alam niyo ba yung nangyari kanina?"

"What is it? Share mo naman samin!"

"It's about Ares and Kylix. You know what girls, sa tingin ko in a relationship si Kylix saka si Ares. Kanina kasi--"

"STOP!" sigaw ko habang namumula na ako sa galit. Tangina naman kasi, ayoko na ngang isipin yung nagawa ko kanina eh. Tapos magkwekwentuhan pa sila ng yun ang topic.

Nakita kong nanigas bigla sa kikatatayuan niya yung babaeng nagkikwento at saka dahan-dahang tumingin sakin. Ganon din naman ang ginawa ng mga kasama niyang babae.

"ALL OF YOU, GET OUT OF SIGHT! YOU FVCKING GOSSIPS!" sigaw ko habang nakaturo sa kanila, naramdaman ko namang mag humawak sa wrist ko kaya napatingin ako doon, nakita ko ulit si Caerus na diretsong nakatingin sakin. Napaka seryoso ng mukha niya na mukhang nagagalit na siya.

"Umalis nalang kayo, ladies. Sorry sa in-act ng kaibigan ko." mahinahon na paghingi ng tawad ni Caerus sa mga babae. Inis naman akong napatingin sa kanya.

"Did you just call them, 'ladies'? What the fvck, Cy? They don't deserve to be called 'ladies', you should called them 'gossips'!" singhal ko kay Caerus. Humigpit naman ang pagkakahawak niya sa wrist ko.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon