Chapter 7

48 7 5
                                    

Ares' Pov

Nandito ako ngayon sa classroom at Mapeh time namin ngayon. Kasalukuyan akong nagdo-drawing ngayon ng taong pinaka importante sa akin. Habang nagdadrawing ay di ko mapigilang mapangiti dahil malapit ko ng matapos ang drawing ko. Wala sa sariling nilingon ko si Kylix at nakita ko siyang bahagyang nakayuko at nakatingin sa sketch pad niya habang may mutang namumuo sa mga mata niya.

'Baliw Ares! Luha yun, hindi muta! Ang kapal na muta naman nun.'

Nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa narinig ko mula sa utak ko kaya naman mas nilapit ko ang mukha ko para makita kung ano ba talaga yung nasa mata niya at nakita kong may luhang pumatak mula sa mga mata niya, Nakapikit siya ngayon at parang dinadama niya ang sakit na nararamdaman niya. Napalunok naman ako at nakaramdam ng awa para sa kanya.

'Mabigat siguro ang problema na dinadala niya, hays.'

Napapalunok nalang akong umayos ng upo at pinagpatuloy ang ginagawa ko ng marahan. Pasimple pa akong sumusulyap sa kanya para tignan kung okay na ba siya, Pero ganon pa rin ang pwesto niya kaya naman hahawakan ko na sana ang likod niya para mahimasmasan siya kaya lang bigla na siyang umayos ng upo at pinunasan ang luha niya saka pinunit at nilukot ang drawing na ginawa niya. Ako naman ay napahawak nalang sa kamay ko na nasa ere at walang airport na pinag-landingan.

'Ayos lang yan, Ares. Di niya naman siguro nakita kaya siya biglang umayos ng upo. Oo Ares, ganon nga yun.'

Tatango-tango akong umayos ng upo habang hawak pa rin ang kamay ko. Tinuloy ko nalang ang ginagawa ko saka ako pa-simpleng sumulyap nanaman sa kanya. Nakita ko siyang nagdo-drawing ulit ng panibago kaya naman medyo sumilip ako doon pero hindi ko makita ng ayos yung drawing niya kaya naman sumuko na ako sa pagtingin. Ilang sandali pa ay masaya kong natapos ang drawing na pinapagawa ni Ma'am kaya naman taas noo akong naglakad sa gitna habang may malawak na ngiti sa labi at kislap sa mga mata.

"Mukhang masayang masaya ka Ares, ah?" biro ni Ma'am sa akin.

"Hahaha! Syempre naman po Ma'am! Inborn na ata sakin 'to eh hahaha!"

"Hahaha! O siya sige na bumalik ka na sa upuan mo at ako ng bahala dito, mukhang masaya ka sa katabi mo eh hahaha!"

"Ma'am eh, Hindi naman hahaha!" tawa nalang ang isinagot ni ma'am sa akin kaya naman nakangiti ulit akong naglakad papunta sa upuan ko. Pag upo ko ay napansin ko si Zeus na nakayuko na at gumagalaw ang balikat at mukhang umiiyak din siya. Nagulat ako ng bahagya siyang tumingin sa likod at ngumiti ng kaunti. Hindi ko alam kung bakit sa tingin ko ay si Kylix ang nginitian niyang yun. Napatingin naman ako kay Kylix na nakatakip na rin ang mga palad niya sa mukha niya at mukhang tahimik na din siyang umiiyak. Bakit nagiging emosyonal mga tao ngayon? Napangiwi nalang ako dahil sa kaweirduhan nila at natulog nalang.


Kylix's Pov

Ang sakit sakit pa rin ng nararamdaman ko ngayon. Di ko alam pero parang kahapon lang nangyari ang sakit na dinadamdam ko ngayon.

'Bakit kailangan mangyari yun sa buhay ko? Bakit yun pa?'

Tanong ko sa isip ko habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata ko. Nang mahimamasmasan ako ay umayos na ako ng upo ang pinunasan ang mga luha sa mata ko. Habang pinagpapatuloy ko ang drawing ko ay may kaunting lungkot din akong nararamdaman.

Maayos kong natapos ang dinrawing ko kaya naman medyo nabawasan na ang lungkot na nararamdaman ko.
Ilang oras at subjects din ang lumipas bago mag uwian. Di ko alam kung bakit pakiramdam ko pati kaluluwa ko ay napapagod din. Sa sobrang pagod na nararamdaman ko ay agad na akong umalis sa classroom at kinuha ang kotse ko sa parking lot. Habang nagmamaneho ay binuksan ko ang music player ko sa kotse para sana medyo gumaan ang atmosphere sa loob ng kotse ko.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon