Chapter 27

28 5 0
                                    

Kylix's Pov

Nandito pa din ako sa loob ng kotse kasama si Zeus. Naka-park lang ako dito sa isang mataas na lugar kung saan kitang kita ang city lights. 10 na ng gabi pero tulog na tulog pa din 'tong kasama ko.

Nakatulala lang ako sa labas ng bintana ng marinig ko siyang magsalita.

"K-kylix.." mahinang salita niya, napabuntong hininga naman ako at saka kinuha yung jacket sa may back seat ng kotse ko. Kinumot ko ito sa kanya dahil halatang nilalamig na siya. Hininaan ko na din ang aircon sa loob ng kotse.

"Just sleep, Zeus." mahinang sabi ko sa kanya habang inaayos yung jacket sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos at saka sumandal sa upuan ng kotse ko. Unti-unti akong tumingin kay Zeus na ngayon ay kasalukuyan ng natutulog dahil sa pagod.

'Bakit mo ginaganyan ang sarili mo?'

Naaawa ako sa sitwasyon niya ngayon dahil may mga bakas pa ng luha ang pisngi niya.

"Sorry, buddy." I whispered underneath my breath habang nakatingin sa maamo niyang mukha. Zeus is my bestfriend, he was my bestfrenemy back then. Pero nagbago ang lahat ng yun ng mainlove siya sakin. He changed, nag-iba yung treatment niya sakin. Before, kapag may crushes ako or what, he's always their to support me. Pero pag hindi niya gusto yung boy na yun, inaadvice-an niya ako.

He is an ideal boy bestfriend. He is my first. Pero ng dahil lang sa ibang level ng pagmamahal na naramdaman niya towards me, nagbago ang lahat.

Nainlove ako sa isang guy dati, alam ni Zeus ang about doon but patuloy lang siya sa pagpapakita ng feelings niya kahit alam niyang iba ang mahal ko at bestfriend lang ang tingin ko sa kanya.

Ang sakit, sobrang sakit. Nung time kasi na iniwan ako ng taong mahal ko, iniwan din ako ng bestfriend ko. I'm so broke, dahil feeling ko 3/8 ng pagkatao ko yung nawala sakin. 2 tao na importante sa buhay ko ang nawala kaya sobra akong nasaktan.

I changed a lot. I became colder than snow. Kung dati, I am a happy-go-lucky girl, ngayon wala na kong pakielam sa paligid ko.

Namiss ko ang bestfriend ko ng sobra-sobra kaya naman lumipat ako ng school kung saan siya pumapasok. From enemies to bestfriends ang nangyari sa aming dalawa.

Actually, hindi lang siya ang naging bestfriend ko. Tatlo kaming magkakaibigan pero nasira din dahil nga sa pagmamahal na yan. Minahal ng bestfriend ko yung lalaking mahal ko ng sobra sobra, she stole my man kaya yun ang naging dahilan ng pagkakasiraan naming dalawa.

I actually miss my bestfriends, I wish I can turn back the time to the good old days.

Habang tinititigan si Zeus ay pinunasan ko muna ang mga luhang tumatakas sa mata ko.

"I miss you, buddy. Please, comeback." I whispered again hanggang sa nakaramdam ako ng antok kaya unti-unti na akong pumikit.




Ares's Pov

Nandito na ako ngayon sa loob ng kwarto ko habang paikot-ikot pa sa kama ko. Ewan ko, gabing gabi na hindi pa din ako makatulog.

Naupo na muna ako at saka tumingin sa paligid pero di pa din ako nakakaramdam ng antok. Tumingin ako sa orasan dito sa loob ng kwarto ko at nakita kong 11pm na pala ng gabi.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon