Zeus' Pov
I was driving along the way to Miah's house. Hindi ko mapigilan na ma-excite sa sasabihin kong plano kay Miah. I can feel the victory right now, malapit ko ng mabalik si Kylix sa piling ko.
I stopped in front of a village na halatang may kaya rin ang mga nakatira. I took out my phone and called Miah para sabihin na nandito na ako sa labas ng village.
[Hello?]
"Nandito na ako sa labas ng village niyo. Where are you?" tanong ko habang nakahawak sa manibela at nakatingin sa gate ng village.
[Paalis na ko, wait for me.]
"Okay, hurry up." Then I ended the call. Mga 10 minuto rin akong naghintay bago dumating si Miah.
"What took you so long?" kunot noong tanong ko kay Miah habang nag aayos siya ng buhok.
"Kinausap ko pa kasi sila mommy. Nag isip muna din ako ng dahilan before ako nakaalis. Kailangan before magdilim, ihatid mo na ako. Okay?" maarteng sabi niya pa. Napangisi naman ako habang napapailing.
"Di ko akalain na sa personality mong yan, strict pa rin ang parents mo." sarkastikong sabi ko pa pero ngumisi lang din siya sakin kaya pinaandar ko na ang kotse.
Nagdrive lang ako ng nagdrive hanggang sa makarating kami sa isang botanical garden. Mayroong mga benches rito at meron rin namang mga picnic table. Pagkababa namin ng kotse ay inilibot ni Miah ang paningin niya sa buong paligid at saka tumingin sakin ng puno ng pagtataka.
"Why did you bring me here? Wag mo sabihing—set up date 'to? You like me?" takang tanong pa niya. Muli nanaman akong napangisi sa kanya at saka ginulo ang buhok niya na agad din naman niyang inayos habang inis na nakatingin sakin.
"Bipolars aren't my type. Don't worry." nakangiti ngunit pilit na sabi ko at saka naunang naglakad.
"B-bipolar?! H-ha! Paano mo naman nasabing bipolar ako ha? Eh dalawang beses palang naman tayo nagkakasama!" inis pang habol niya pero di ko na siya pinansin at saka naupo sa isa sa mga benches doon.
Pinagmasdan ko na muna ang buong kapaligiran at saka ako napabuntong hininga.
"So, ano na yung sasabihin mo?" tanong niya habang nakatingin sakin. Tumingin naman ako sa kanya at saka muling binalik sa paligid ang paningin ko.
"Have you already seen the post on our group?" tanong ko, taka naman siyang napailing.
"U-uh, no? Why?"
"We'll be having a 3-days acquaintance party in a beach." sagot ko sa kanya. Agad namang bumakas ang saya sa mukha niya.
"What!? Really? Omg! Kailan ko ng mag gym starting tomorrow. Ireready ko na rin yung mga bathing suits ko and—"
"Hindi tayo aattend doon para maki-party. We have a plan." seryosong sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya. Parang medyo nagulat naman siya pero maya maya ay sumeryoso na rin.
"What is it?"
"May flight ako later papuntang Russia. I'll stay there for a month since next month pa naman ang acquaintance party. So, ikaw na muna ang maiiwan dito sa Pilipinas para bantayan sila. Pero I suggest na manahimik nalang muna tayo. Bigyan natin sila ng at least 1 month para mag saya kung anong meron sila ngayon." nakangising sabi ko sa kanya. Mukhang natuwa din naman siya sa plano namin kaya agad rin siyang sumang-ayon.
BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Teen FictionNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...