Chapter 34

31 5 19
                                    

Kylix's Pov

Ngayon ay 8 o' clock na ng umaga at kakagising ko pa lang. Agad agad akong tumayo sa kama at saka tumakbo papunta sa bathroom dahil ilang minuto nalang ay late na ako.

Binilisan ko lang pag ligo at saka ako nagbihis at nagsuklay. Hindi na ako nagpatuyo ng buhok at diretso nalang na naglagay ng pulbo sa mukha at saka konting liptint.

Dali dali kong sinuot ang sapatos ko at saka bumaba na. Nakasalubong ko pa si mommy sa may hagdan.

"Oh? Bakit ngayon ka lang nagising? I was about to wake you up na sana dahil late ka na sa school mo." bungad sakin ni mommy. Napakamot naman ako ng ulo.

"Kaya nga po eh. Mauna po ko. Bye, mom!" sabi ko at saka dali-daling hinalikan ang pisngi niya bago ako tuluyang bumaba.

"Hindi ka na ba kakain ng breakfast, anak?" pahabol pa ni mommy pero umiling nalang ako at saka kumaway sa kanya habang tinatahak ang daan palabas.

Pagkarating ko ay agad na akong pumasok sa kotse ko at saka idinrive ito.

Nasa may kalagitnaan na ako ng daan ng magkaroon ng traffic. Inis kong hinampas ang manibela dahil malelate na ko.

"Kainis naman, kung kailan naman malelate na ko saka naman nagkaroon ng traffic dito." naiinis na bulong ko sa sarili ko habang naghahanap ng daan na pwedeng pag-overtake-an.

Ilang minuto pa bago muling umusad ang traffic. Binilisan ko na ang pagpapatakbo ng medyo lumuwang na ang daan.

Ilang saglit pa ng makarating na ako sa mismong parking lot ng school. Dali-dali kong ipinarada ang sasakyan ko at saka nagmamadaling bumaba.

Lakad takbo ang ginawa ko para makaabot pa ako sa first subject namin. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong 8:30 na. Napamura ako ng dahil doon at saka mas binilisan pa ang paglalakad.

Nakarating na ako sa may tapat ng room namin ng may bigla akong nabanggang babae. Napatingin ako sa kanya at ganon din siya sakin.

"Oh my God, hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? My gosh, hindi ko naman alam na ganto pala ang mga students dito." maarteng sabi niya habang tinitignan ang sarili kung may dumi ba siya o wala.

Napatingin ako sa kabuuan niya. Di mapagkakailang mayaman siya dahil sa tindig niya. Masasabi ko rin na maganda talaga siya at magaling magdala ng damit.

Kunot noo siyang tumingin sakin ng mapansin niyang tinititigan ko siya.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan ha!? Wag mong sabihin na may gusto ka sakin? Well, alam ko namang maganda ako pero yung magkagusto ka sakin is so kadiri. Sorry pero di ako pumapatol sa kapwa ko babae. My heart is for Ar--" natigil ang pagsasalita niya ng lumabas ang teacher namin na si Miss Reyza mula sa room at saka nakangiting bumungad sa amin. Una niyang tinignan ang babaeng nasa tabi ko.

"Oh, so you are the new student from Pollux, aren't you?" tanong ng teacher sa kanya. Matamis namang ngumiti ang huli at saka malumanay na tumango.

"Yes po, miss." magalang na sagot niya, napairap naman ako sa kawalan dahil parang kanina lang ay pataray-taray siya sakin tapos ngayon ay para na siyang maamong tuta.

"I see. You may now come in." nakangiting sabi ni Miss Reyza at saka niya binuksan ang pinto para sa maarteng babae na yun.

Susunod na rin sana ako kay doon sa babae ng pigilan ako ni Ma'am Reyza.

"Why are you late, Miss Funtalez?" nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Miss Reyza. Napayuko naman ako at saka sumagot.

"Na-late po kasi ako ng gising tapos traffic pa po kanina." nahihiyang sabi ko. Tumango naman siya sakin.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon