Chapter 23

23 5 0
                                    

Ares' Pov

Pagkadating ko sa bahay ay hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi ko. 8pm na ng gabi pero hindi pa ako natutulog. Nandito pa din ako sa kwarto ko at nakaupo lang sa kama. Pagkatapos kasi namin kumain kanina ay natulog na kaagad sila mommy dahil napagod daw sila sa flight nila.

Sa sobrang saya ko ngayon, parang gusto kong sumayaw ng sumayaw. Ang sarap lang kasi sa feeling dahil parang unti-unti na kaming nagiging close sa isa't-isa. Di naman sa nag-aassume ako pero, yun talaga ang nafifeel ko, haha!

Tumayo na muna ako at saka ko kinuha yung speaker at cellphone ko. Sasayaw na muna ako ngayon dahil ang saya-saya ng gabi ko.

Pinlay ko na yung kantang sasayawin ko at saka ako nagsimulang sumayaw.

Habang sumasayaw ay iniimagine ko si Kylix na nanunuod sakin habang sumasayaw ako.

Ano kayang magiging reaksyon ni Kylix kapag napanood niya talaga akong sumayaw? Hahanga ba siya sakin? Magiging crush niya na ba ako?

Hay, hindi ko din alam. Feeling ko, kahit na magaling akong sumayaw, hindi niya pa din ako magugustuhan kasi hindi naman ako gwapo, cute lang.

Tumigil na ako sa pagsasayaw ng matapos na yung kanta. Medyo pinagpawisan ako doon kaya naman naupo na muna ako sa gilid ng kama ko.

'Ang saya-saya ko talaga.'

Muli nanaman akong napangiti sa naisip ko. Hay, nabubuo niya talaga ang araw ko ng hindi niya nalalaman.

Matapos kong magpahinga ay humiga na ako at saka ako nagtalukbong ng kumot. Sigurado akong masarap ang tulog ko ngayon kaya naman dahan-dahan ko ng pinikit ang mga mata ko habang may maliit na ngiti sa labi ko.

'Goodnight, Kylix.'


------------

Dahan-dahan ko ng minulat ang mga mata ko dahil naririnig ko na ang ingay ng alarm clock ko.

Naupo na muna ako at saka ako nag-inat. Hay! Ang sarap ng tulog ko. Iba talaga epekto mo sakin, Kylix.

Pagkatapos kong mag-unat ay tuluyan na akong bumangon at saka ako pumasok sa banyo ko para maligo at mag-toothbrush.

Habang nagshoshower ay kumakanta-kanta pa ako.

Pagkatapos kong maligo ay nag-toothbrush na ako at saka ako nagpunas ng katawan.

Lumabas na ako sa banyo ko habang nakatapis ang twalya sa bewang ko. Kumakanta kanta pa din ako habang nagbibihis. Kasalukuyan ko ng sinusuot ang pants ko dahil naisuot ko na ang boxer ko ng biglang pumasok si mommy.

"Hey, good morning baby!" pambungad ni mommy habang dire-diretsong pumapasok sa kwarto ko. Bigla naman akong napatakip sa katawan ko.

"Mommy naman! Hindi ka manlang kumatok. Kita mong nagbibihis pa ako eh!" pagrereklamo ko kay mommy. Napatingin naman sa kabuuan ko si mommy kaya mas lalo akong napatakip sa katawan ko.

"Sus! Akala mo namang daks, jutay ka lang naman." sagot sakin ni mommy. Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya.

"Ha?" naguguluhan na tanong ko kay mommy. Pinanlakihan niya lang naman ako ng mata at saka sumagot.

"Hakdog!" sagot ni mommy habang nanlalaki pa ang mata. Napangiwi naman ako sa mga pinagsasagot niya sakin.

Inayos nalang ni mommy ang kama ko matapos niya akong sagutin ng ganon. Pumunta naman ako sa medyo gilid ng kwarto ko at saka pinagpatuloy ang pagbibihis.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon