Chapter 38

16 2 0
                                    

Ares' Pov

Habang nagmamaneho ako papauwi ay halo-halong emosyon ang nangingibabaw sa dibdib ko. Galit, sakit, pagkadismaya at lungkot dahil nagawa rin akong paglihiman ng sarili kong mga magulang.

Nasa kalagitnaan ako ng traffic at walang humpay pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko. Ang sakit malaman na yung babaeng kasalukuyan kong hinahangaan ay naging akin din pala.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko ng umusad na ang traffic. Patuloy pa rin naman sa pag-vibrate ang phone ko at nakikita kong si Miah iyon. Nang dahil sa inis ay padabog ko iyong pinatay at saka ko pinower off ang phone ko.

'Wala ng makakapigil sakin ngayon na malaman ang katotohanan.'

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na rin ako sa bahay. Pagkababa ko sa kotse ay dire-diretso agad akong pumasok. Pagpasok ko naman ay nakita ko si yaya na kasalukuyang nagva-vacuum sa living room at mahina pang kumakanta.

"Yaya.." pagtawag pansin ko sa kanya. Gulat naman siyang napalingon sakin habang hawak ang dibdib niya.

"Ay susmaryosep kang bata ka! Bakit ka ba nanggugulat? At saka anong ginagawa mo rito? Hindi ba't mamaya pa ang uwian ninyo?" takang tanong ni yaya at saka pinatay na muna ang vacuum. Hindi naman ako sumagot at saka ako naglibot sa buong bahay. Agad namang sumunod sakin si yaya.

"Nasaan po sila mommy?" tanong ko habang gumagala sa buong bahay. Halata namang naguguluhan si yaya sa ikinikilos ko pero sumagot na lang din siya.

"A-ang pangkakaalam ko'y may inaasiko sila ng daddy mo  sa trabaho. Hindi naman nila nabanggit sa akin kung ano iyon." naguguluhan pang sagot ni yaya dahil paniguradong nahihilo na siya sa pagsikot sikot ko sa loob ng bahay. Muli ay hindi ulit ako sumagot.

"T-teka nga, ijo! Ano bang nangyayari sayo at para kang sinilaban ang pwet kung magparit-parito rito??" gulong gulo na tanong sakin ni yaya. Napabuntong hininga naman ako at saka dumiretso sa sala at naupo. Sumunod naman kaagad sakin si yaya.

"Yaya, gaano katagal na po kayong naninilbihan dito sa amin?" diretsong tanong ko. Halata namang nabigla si yaya pero agad ding napaisip.

"Siguro mga 18 taon na rin. Bakit mo naman naitanong?"

'18 years.. kasalukuyan naman akong 17 years old ngayon so ibig sabihin, nandito na si yaya bago pa man ako ipanganak.'

Ngumiti naman ako kay yaya at saka ako umiling.

"Wala lang po, na-curious lang ako bigla. Sige na po, mauna na ko sa taas." paalam ko at saka tumayo at naglakad na papunta sa hagdan.

"Teka, Ares! Sandali!" dinig ko pang tawag ni yaya pero mas binilisan ko na ang lakad papunta sa kwarto.

Pagpasok ay agad akong naupo sa kama ko at saka napahawak sa ulo ko dahil sumasakit iyon ng dahil sa mga nalaman ko kanina kay Miah.

Ilang saglit pa ay huminto na ang pagkirot nito kaya nag-angat na muli ako ng tingin. Napagdesisyunan ko na pag-aaralan ko na muna ngayon ang mga nalaman ko at hihintayin ko na muna ang tamang oras para malaman ko ang buong katotohanan.

"Hindi na ako magpapaloko ngayon." dahil ako na mismo ngayon ang manloloko sa inyo.


Kylix's Pov

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon