Zeus' Pov
Pag gising ko ay ayaw ko agad bumangon dahil sa sobrang katamaran.
'Problema nanaman tsk, Badtrip.'
Mas lalo akong nainis ng maisip ko na ngayon din pala ang dating ni Dad at Lola. Bumangon na kaagad ako ang makita ko ang oras at saka ako padabog na pumunta sa banyo at naligo.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis kaagad ako at bumaba na papunta sa kusina.
Pagdating ko sa kusina ay sinalubong kaagad ako ng mga maids namin at pinagsilbihan, Ako naman ay nakatulala lang at hinahayaan silang asikasuhin ako.
"Zeus, gusto daw ng iyong lola na ikaw mismo ang sumundo sa kanila sa airport mamayang uwian." anang ni Auntie, Gulat naman akong napatingin sa kanya dahil kakasubo ko palang at di pa tapos ang pagkaing nginunguya ko.
"Po? Eh ba't ako pa, di ba pedeng si Kuya Gilbert nalang? Kakauwi ko lang nun eh!" reklamo ko sa kanya habang may laman pa ang bibig ko, Magsasalita na sana ulit sa Auntie kaya lang biglang dumating si Chloe.
"Si Lola mismo ang nagsabi na ikaw ang sumundo sa kanila dahil gusto ka daw nilang maging responsable. Saka stop talking nga when your mouth is full, tch." masungit na tugon sa akin ni Chloe habang dire-diretsong naglalakad papunta sa harapan ko para umupo. Napansin kong naka uniform na din siya pero hindi tulad ng uniform ko kaya naman nagtanong ako sa kanya.
"Hoy! Bat ganyan uniform mo? San ka mag aaral?" takang tanong ko sa kanya, Nakangisi naman siyang nag angat ng tingin sa akin saka nakapangalumbabang tumitig sa akin.
"Bakit? Gusto mo ba akong makasama sa school na pinapasukan mo?" nakangising pang-aasar sakin ni Chloe, Tinignan ko naman siya ng masama saka siya sinagot.
"Tch, Asa ka! Baka mas lalo pang magulo ang buhay ko." inis na sabi ko sa kanya, Tumawa lang naman siya saka nagpatuloy sa pagkain. Maya-maya lang ay nag-angat na ulit siya ng tingin sa akin at saka nagsalita pagkatapos niyang uminom ng tubig.
"Well, sa Pollux University lang naman. Ako na din ang pumili ng school na papasukan ko dahil sigurado akong di ka papayag na maging schoolmate ako hahaha!" pagyayabang niya.
Nginisian ko naman siya ng sarcastic saka ako nagsalita.
"Talagang sa kalaban pa ng school ko ah? Haha! Great!" sarcastic na sabi ko sa kanya, Ngumisi naman siya saka ako sinagot.
"Why not?" sabi niya habang nakangisi sa akin ng nakakaasar. Di ko nalang siya pinansin at saka ko tinapos ang pagkain ko para makasakay na agad ako sa kotse ko papuntang school.
Ares' Pov
Nandito ako ngayon sa kotse ko at nagdadrive papasok sa school pero di ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko excited na excited ako pumasok hindi dahil sa mga lessons kundi dahil sa mga kaklase ko, Di ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko pero di ko nalang pinansin.
'Siguro ganito lang talaga kapag 4th year na dahil ito na yung huling beses na mae-encounter mo sila as classmates.'
Pagdating ko sa parking lot ng school ay maingat kong ipinarada ang kotse ko sa favorite kong lugar dito sa may parking lot. Nakangiti akong bumaba ng kotse hanggang sa pag lock ko nun pero ang mga ngiti sa labi ko ay napalitan ng gulat ng lumingon ako sa likod ko. Nakita ko siya na kakababa lang sa kotse niya at inaayos ang buhok niya saka siya naglakad papasok ng school building. Naiwan naman akong nakanganga dahil sa ganda niya.
'Bakit ganto nalang lagi ang epekto mo sakin, Kylix? Ikaw palang ang nakakapagparamdam sa akin ng ganito.'
Natauhan lang ako sa pagkakatulala ng marinig ko ang isang boses sa likod ko.

BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Fiksi RemajaNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...