Ares' Pov
Matapos ang yakapan na eksena namin ni Kylix ay nagyaya ako na puntahan namin ang mga lugar na lagi naming pinupuntahan noon bago ang aksidente.
Kasalukuyan na kami ngayong nasa loob ng kotse ko. Ako ang nagdadrive habang nasa tabi ko naman siya. Hindi ko maiwasang tignan siya maya't maya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na siya si Athena. Ang Athena na minahal ko ng higit pa sa buhay ko.
Naramdaman niya ata na kanina pa ko tingin ng tingin sa kanya kaya napakunot ang noo niya habang nakatingin sakin.
"Stop staring at me. Just keep on driving. Baka mabangga nanaman tayo." pagsusungit niya pa pero nakita kong namumula ang mga pisngi niya kaya napatawa ako at saka tumingin ulit sa daan.
"Ang ganda mo kasi, eh. Hindi tuloy ako makapag-focus." biro ko pa at saka muling tumingin sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin at tumapat nalang sa bintana.
"J-just keep on driving. Don't mind me." utal pang sabi nito kaya napatawa nalang ako at napailing iling at saka pinagpatuloy ang pagmamaneho.
Sinabi sakin ni Kylix ang mga lugar na madalas naming puntahan. At isa na itong japanese resto na nasa harapan namin ngayon. Since wala na naman kaming klase dahil may meeting ang teachers ay iispend nalang namin ang mga natitirang oras sa isa't isa.
"Pinupuntahan talaga natin 'to dati?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa isang hindi ganon kalaking japanese resto. Simple lang ito pero mukhang maganda ang ambiance dahil tahimik at medyo mapuno ang paligid.
Tumingin naman sakin si Kylix at saka tumango habang nakangiti ng malawak. Naguluhan naman ako.
"P-pero sa pagkakaalala ko, h-hindi ako mahilig sa japanese food." pag amin ko dahil yun naman talaga ang naalala ko kaya di kami kumakain sa japanese resto ay dahil sabi nila mommy hindi ko raw gusto ang mga pagkain doon kaya never kaming kumain sa isang japanese resto.
Napakunot naman ang noo ni Kylix at saka lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Sabi ko naman sayo, tutulungan kitang maibalik ang lahat ng alaala mo. Kaya dito tayo ngayon pumunta dahil gusto kong mag umpisa muna sa mga simpleng bagay kagaya ng mga dati mong paborito." nakangiting sabi niya sakin. Napatango nalang naman ako sa kanya at saka ngumiti bago kami pumasok sa loob.
Pagpasok namin ay naamoy ko agad ang amoy ng green tea. Napalingon ako sa mga taong lumapit samin at nag-bow. Binati nila kami sa wikang japanese kaya nag bow din kami sa kanila. Pinahubad nila sa amin ang mga sapatos namin dahil naka-mat pala ang mismong kainan kaya nag medyas lang kami.
Pagkaupo namin ay may lumapit samin na babae na nakasuot ng kimono. Inabot nito samin ang dalawang menu na hawak niya at saka nagbow ulit at umalis.
Napatingin ako sa menu na hawak ko dahil hindi ko alam kung ano bang o-orderin ko. Nahalata naman ata ni Kylix ang problema ko kaya ngumiti siya sakin.
"Ako na ang o-order para sayo." sabi niya pa at saka tumingin ulit sa menu na hawak niya. Nang ibaba niya ang menu ay akmang tatawagin niya na ang waitress ng bigla kong hawakan ang kamay niya. Natigilan naman siya at saka napatingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya bago siya tumingin sa akin.
"W-why?" namumulang tanong niya. Napangiti naman ako at saka tumingin ng diretso sa mga mata niya.
"I love you." sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. Napangiti naman siya at saka tumango.
"I love you too." matamis din na sagot niya kaya abot tenga ang ngiti ko ng bitawan ko na ang kamay niya. Agad naman niyang sinabi sa waitress ang order namin habang ako ay parang tangang nakayuko at nagpipigil ng ngiti.
BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Roman pour AdolescentsNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...