Chapter 42

9 1 2
                                    

Laerianna's Pov

Its been a while. Matagal na kong walang naririnig na balita tungkol kay Kylix. After kasi naming pumunta sa café last month, never na kaming nagkasama ulit. Maybe she was busy? Ewan, bigla nalang kaming hindi nag-usap.

I am currently here in the cafeteria where Kylix and I first met. Nandito ako ngayon at nakatingin sa lalaking nakangiti kay Kylix. I don't know him pero he looks familiar.

Nag-uusap sila ni Kylix and pansin ko din na may kakaiba sa mga mata nila. There are sparks in their eyes. Their eyes are shining so bright. That only means that they are in love with each other.

Napabuntong hininga nalang ako at saka umiba ng tingin. I really love observing people from afar. Creepy right? But lol, I love what I am doing. It satisfies me.

Ngayon naman ay nakatingin ako kay Caerus at Xander. They are in a one table but they are not talking to each other. It seems like they are not in good terms or whatever. Maybe they don't like each other? Hmm nevermind. But wait— parang napansin ko na hindi nila kasama si Zeus.

Napakunot ang noo ko ng dahil sa naisip ko. Ang unusual lang na hindi nila kasama si Zeus. Lagi kasi silang kumpleto kapag nakikita ko sila eh.

Napakibit balikat nalang ako at saka tumayo na habang dala-dala ang bag ko. Pumunta ako sa favorite spot ko dito sa campus. Ang chill lang kasi. Puro damo at puno lang tapos may benches din kaya ang sarap lang tumambay dito.

Naupo ako sa isa sa mga bench at saka kinuha ang phone ko. Pagbukas ko ng phone ko ay napangiti ako sa wallpaper ko. Hinaplos ko ito at saka tinitigan.

"I miss you, mommy. Sana mahanap mo na si kuya. I miss you both." pagkausap ko pa sa picture ni mommy sa phone ko. Napahinga ako ng malalim at saka tumingin sa kawalan.

My mom is not yet dead. She's just finding my brother. She left me when I was 15. Sabi niya ay may kuya daw ako pero magkaiba kami ng tatay kaya hindi kami magkasama. Sabi niya ay isang taon daw ang tanda nun sakin kaya kuya ko na daw iyon. She told me so many things about my kuya. Madalas na hindi umuuwi si mommy sa bahay at naiiwan lang kami ni daddy pero hindi na ako nag aalala dahil alam kong kasama niya ang kuya ko.

One time ay tinanong ko siya kung bakit hindi niya dalhin si kuya sa bahay para naman makilala ko siya pero ang sabi niya sakin ay hindi daw kasi alam ni kuya na may kapatid siya, at ako yun. I felt sad that time pero inisip ko rin na maybe may right time para makasama ko siya.

After chilling for a few minutes ay tumayo na ako dahil time na ata namin. I was walking at the hallway at nakita ko ulit si Kylix at yung lalaking kasama niya. I smiled in the back of my mind. Ewan ko kung bakit pero even though hindi ko pa kilala yung kasama ni Kylix na lalake ay magaan ang loob ko sa kanya at alam kong hindi niya sasaktan si Kylix.

Umiwas nalang ulit ako ng tingin after a minute at saka dumiretso sa classroom ko.







Kylix's Pov

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa quadrangle habang kasama si Ares na parang tangang ngiting ngiti sa tabi ko. Naiinis na ako kasi kanina pa ako naasar sa paraan ng pag ngiti niya sakin kaya sinita ko siya.

"Bakit ba kanina ka pa naka ngiting aso? Nakakainis." kunot noong sabi ko sa kanya. Natawa naman siya sakin.

"Why? Masama bang ngumiti ng ganito sayo?" natatawang tanong niya pa. Napairap naman ako.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon