Ares' Pov
Mabilis na lumipas ang mga oras kaya naman heto na ako ngayon at inaayos ang sarili ko kahit para sa akin ay maayos na ko.
Pinasuot ako nila mommy ng polo na kulay navy blue kaya naman bumabakat ng konti ang muscles ko. Konti lang naman yun.
Nag-ayos pa ko ng buhok dahil sabi ni mommy, kailangan daw representable. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili ko.
'Shet, ako ba 'to?'
Hindi ko makilala ang sarili ko dahil sa ayos kong 'to. Parang napaka formal kong tignan ngayon.
Konting ayos ko pa sa buhok ko saka ako lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay nakita ko sa baba sila mommy na mukhang ako nalang talaga ang hinihintay nila kaya bumaba na ako ng hagdan.
Pagkababa ko ay napatingin silang lahat sa akin. Taka lang naman akong nakatingin sa kanila.
"Bakit? Anong meron?" tanong ko sa kanila habang tinitignan sila isa-isa. Napatakip si mommy sa bibig niya habang nakatingin sa akin.
Kunot noo akong humarap sa kanilang lahat at saka tinignan ang kabuuan ko. Wala namang mali sa suot ko ah? Hindi ba bagay sakin?
Napaangat ako ng tingin ng maramdaman kong unti-unting lumapit sakin si mommy habang nasa bibig pa rin niya ang kanyang mga kamay.
"Y-you're so handsome, anak." maluha-luha pang sabi sakin ni mommy saka ako niyakap ng mahigpit. Napatingin naman ako kila yaya at daddy na emosyonal ding nakatingin sa akin.
'Ang OA ng pamilya ko ah. Para namang ikakasal na-- oh my god.'
After ng ilang minuto ay kumalas na sa pagkakayakap sa akin si mommy at saka pinunasan ang konting luha sa mata niya.
Seryoso kong tinignan sa mata si mommy at saka hinawakan sa magkabilang balikat.
"Mommy," pagtawag ko sa kanya, agad naman siyang tumingin sa akin.
"Yes, anak?"
Malalim muna akong bumuntong hininga bago ako nagtanong.
"I-ikakasal na p-po ba ako? Kaya emosyonal kayo? Kaya po ba tayo may family dinner ngayon para pag-usapan ang kasal k-ko?" kinakabahan na tanong ko kay mommy.
'Lord, masyado pa po kong bata para ikasal. Ayokong ikasal sa taong hindi ko naman mahal.'
Napakunot ang noo ni mommy habang nakatingin sa akin.
"H-huh? Ano bang sinasabi mo? Kasal? Don't tell me-- my gali, Ares! Do you think gagawin namin yun sayo? Arrange marriage with Miah? Omg, you're making me laugh hahaha!" sabi sakin ni mommy at saka tumawa ng malakas, napatawa na din naman ng malakas sila daddy at yaya.
"Eh? H-hindi po ba?" napapahiyang tanong ko kay mommy at saka napatungo. Mahina naman akong hinampas ni mommy sa balikat habang tumatawa pa.
"Of course, not! Hahaha! My goodness, Ares. Saan mo naman nakuha yan? Hahaha." tawa pa rin ng tawa na sabi ni mommy. Hindi na rin makahinga si yaya at daddy kakatawa. Wala naman akong magawa kundi mapanguso nalang sa kahihiyan.
"Eh kasi naman po, ang OA niyo mag-react kanina pagbaba ko. P-parang ikakasal na tuloy ako." sabi ko habang nakayuko at napapakamot ng batok. Natawa naman ulit sila.
"Hay nako, anak. Hindi ba pwedeng nanibago lang talaga kami sa itsura mo? Napaka gwapo mo kasi kanina nung bumaba ka na ng hagdan kaya naging ganon ang reaksyon namin." paliwanag naman ni daddy na ngayon ay nakaakbay na kay mommy na tawa pa rin ng tawa.

BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Fiksi RemajaNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...