Kylix's Pov
'What the heck is happening?'
Nandito ako ngayon sa bahay nila Ares at kaharap ko din ngayon ang buong pamilya niya.
Hindi ko talaga ma-absorb ang mga nangyayari ngayon.
'Are they thinking na girlfriend ako ng anak nila?'
Nanatili lang akong nakatayo habang diretsong nakatingin sa bawat miyembro ng family ni Ares.
"Kumain ka na ba, ija? Mukhang pagod ka eh. Tara, kumain ka na muna!" biglang yaya sa akin ng mommy ni Ares na si tita Ally. Tatanggi pa sana ako pero hinila niya na kaagad ako papunta sa kusina nila napapikit nalang ako ng mariin.
Pagkarating namin sa kusina nila ay pinaupo na nila kaagad ako sa tabi ni Ares.
"Kailangan, lagi kayong magkasama." sabi pa ni tita habang pinapaupo niya ako sa upuan, nasapo nalang ni Ares ang noo niya.
Pagkaupong-pagkaupo ko ay nilagyan agad ako ni tita ally ng pagkain sa plate ko.
"Ako n--" I was about to stop her but she cutted my sentence.
"You are my son's girlfriend. So, I should treat you like this because as what I've said earlier, you are my future daughter-in-law." nakangiting sabi sakin ni tita Ally habang sinasalinan ng food yung plate ko.
"Hindi--" sasabihin ko na sana na hindi ako girlfriend ni Ares pero bigla ng umupo si tita sa upuan niya.
"Okay, let's pray first." sabi ni tita Ally at saka tumungo, napatingin ako sa paligid ko at nakita kong lahat sila nakatungo kaya tumungo na din ako.
"Father God, we thank for the food that we are about to eat. Please, bless our food. Give us a good health. And thank you din Father God sa future daughter-in-law ko na ngayon ay kasabay naming kumain. Please, bless their relationship. Amen." pagpe-pray ni tita, nasamid ako sa huli niyang sinabi na sana ibless ang relationship namin ni Ares kaya uminom na muna ako ng tubig.
"Hey miss, are you okay?" tanong sakin ng daddy ni Ares na si tito George. Tumango naman ako sa kanya.
"Oh by the way, ija. What's your name again?" tanong sakin ni tita Ally, napatingin naman ako sa kanya.
"Kylix, madam." magalang na sagot ko, halata namang nagulat siya.
"Really? So you are, Kylix Funtalez?" manghang tanong niya, tumango naman ako.
"Wow, you have a good taste son!" sabi ni tita kay Ares, napaiwas naman ng tingin si Ares pero halatang namumula, tss.
"About that, tita--" sasabihin ko palang sana kay tita Ally yung totoo pero bigla ng nagsalita si tito George.
"Siya yung teen model sa isang magazine before di ba?" tanong ni tito George kay tita Ally, tumango naman si tita.
"Yup. I think, napicturan ko na siya dati but, hindi ko na maalala." sagot sa kanya ni tita, napatango-tango naman siya.
Nagsimula na akong kumain para makauwi na kaagad ako ng may biglang sumiko sa akin. Napantingin ako sa tabi ko.
"Bakit?" tanong ko, naiilang naman siyang tumingin sakin.
"Ayos ka lang ba?" alanganin na tanong niya. Tumango naman ako sa kanya.
"Alam kong gusto mo ng umuwi kaya, bilisan mo ng kumain para maihatid na kita." sabi sakin ni Ares, umiling naman na ako.

BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Novela JuvenilNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...