Zeus' Pov
Pagkatapos ng last subject namin ay tumayo na agad kami ni Caerus at saka lumabas ng classroom. Ayaw namin ng nahuhuli kami sa room kaya naman mabilis kaming nakalabas at nakababa sa floor namin at pumunta sa canteen. Madami nanamang mga estudyante ang nasa gilid ng hallway habang naglalakad kami ni Caerus, ang ibang babae ay nagbubulungan habang napapatalon pa sa kilig. Ang ibang nerd na kinikilig naman sa amin ay nagtatakip nalang ng libro sa mga mukha nila at ang mga lalaki ay napapatungo lang t'wing dadaanan namin sila.
Pagdating namin sa canteen ay kusang tumabi ang mga estudyante sa pila at pinauna na kami, Maangas naman akong naglakad sa gitna ng mga tao papunta sa counter. Pagdating ko sa counter ay nakatitig lang sakin si Isabel isa siyang cashier at server dito sa canteen halos kasing edad ko lang din siya kaso dahil nga sa kahirapan nila ay maaga pa lamang ay nagtatrabaho na diya. Maganda din naman si Isabel payat pero walang hubog ang katawan at saka hindi siya ganon katalino kaya hindi ko siya kailanman nagustuhan, pero alam kong may gusto na siya sa akin noon pa. Natauhan naman siya ng bigla akong pumitik sa harap ng mukha niya upang magising siya, Dali-dali niyang inayos ang sarili at saka ako tinanong.
"W-what's your order, sir?" tanong niya habang di makatingin ng diresto sa mga mata ko, Tinignan ko siya ng diretso sa mata at saka ako nagsalita.
"The next time you stare at me dont be so obvious, learn how to hide it." sabi ko. Bigla namang nagbulungan ang mga tao sa paligid at ang iba ay pinagtatawanan si Isabel ng dahil sa sinabi ko, Napatungo naman siya at di nalang nagsalita.
"I want a 1 serve of fresh lumpia and 1 cup of rice, dalhin mo nalang sa table namin." utos ko saka naunang umalis, Pagkaupo namin ay napansin kong hindi kumikibo si Caerus kaya naman napatingin ako sa kanya pero nakatulala lang siya at mukhang malalim ang iniisip.
"Oy, anong problema? bakit kanina ka pa walang imik?" takang tanong ko sa kanya, Gulat naman siyang napatingin sa akin saka umiling iling.
"A-ah wala ayos lang ako.." sabi niya habang pilit na ngumiti sa akin. Mas lalo naman akong nagtaka dahil hindi naman ganto si Caerus noon.
'May tinatago kaya sa akin 'tong lokong 'to? Tss, ano naman kaya yun?'
Hindi ko nalang inisip ang napapansin ko kay Caerus at sakto namang dumating ang pagkain na inorder namin kaya naman kumain na rin ako.
Habang kumakain ako ay biglang umingay ang paligid at nagsimula ng magbulungan ang mga tao dito sa loob ng canteen habang may tinitignan sila sa entrance kaya naman napatingin nalang din ako sa may entrance at nakita doon si Kylix na may kasamang babae na mukhang transferee din, Napangisi naman ako dahil mukhang sumisikat na siya dito sa school ng dahil sa kayabangan niya.
"Girls, Alam niyo ba yung nagyari sa may 3rd floor? Gosh, She must be a freak!"
"Ano bang meron doon kanina? Naririnig ko rin yang balitang yan habang naglalakad ako kanina eh."
"Duh? hindi mo nakita kanina? Tinalisod ni Archer si Ares and then kung ano-ano pang sinabi ni Archer kay Ares tapos biglang dumating yung si Kylix. Pinagtanggol niya si Ares kaya naman nagkasagutan din sila ni Archer kaya pati siya ay binantaan na ni Archer!"
"Gosh, Really? Now this is war, grrr."
Bulungan pa nung mga babae. Nilingon ko naman siya saka ako muling bumaling sa pagkain ko at napailing-iling saka bahagyang tumawa.
"Haha! Buti nga sa kanya. Ang hilig niya kasi umeksena lagi, tss." napapailing na sabi ko. Tinignan naman ako ng masama ni Caerus kaya naman nangunot ang noo ko at saka ako nagsalita.
BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Teen FictionNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...