Chapter 28

16 4 0
                                    

Kylix's Pov

Nagising ako ng may naramdaman akong lumilikot sa tabi ko kaya naman napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Zeus na palabas ng kotse at saka nakapamulsang naglakad palayo. Naalarma kaagad ako kaya tumayo na ako at saka siya hinabol.

"Zeus!" pagtawag ko sa pangalan niya. Lumingon naman siya sakin at saka napakamulsa pa ring humarap.

Lumapit ako sa kanya na medyo hinihingal pa.

"San ka pupunta?" tanong ko sa kanya, wala naman siyang reaksyon na nakatingin sa akin.

"Uuwi na." simpleng sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko. Nakita ko sa mga mata niya ang pangungulila at kalungkutan.

"Can we talk for a while?" tanong ko sa kanya, nagkibit balikat lang naman siya kaya sinenyasan ko siya na sundan ako.

Naupo ako sa may hood ng kotse ko at naupo din naman siya sa tabi ko. 4: 30 na ata ng umaga kaya naman medyo natatanaw ko na ang araw, ibig sabihin sunrise na.

Tahimik lang kaming dalawa habang nakaupo hanggang sa bigla siyang nagtanong sa akin.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong niya habang diretso pa ring nakatingin sa sunrise.

Lumingon naman ako sa kanya saglit at saka umiling.

"Gusto mo pa rin ba ko?" diretsong tanong ko sa kanya habang nakatitig lang din sa sunrise. Naramdaman kong gumalaw siya pero hindi ko pa rin siya nilingon.

"Hindi na naman siguro mawawala yun, pero mahal na mahal pa din kita." diretso niya ding sagot sa akin kaya naman saglit pa akong natahimik at saka naaawang napalingon sa kanya.

"Zeus, ta--" sasagot sana ako kaso pinutol niya kaagad ako.

"Oo, Kylix. Alam kong kailangan ko ng itigil 'to. Pero please, kahit ngayon lang. Hayaan mo kong mahalin ka, hayaan mo kong iparamdam sayo yung nararamdaman ko." sabi niya sa akin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. May namumuong luha sa mga mata niya kaya di ko pa rin mapigilan na maaawa sa kalagayan niya.

"Pero Zeus, alam mo naman di ba? Alam mo naman na di ko masusuklian yung nararamdaman mo." sabi ko sa kanya at saka nahihiyang napatungo. Narinig ko naman siyang napabuntong hininga kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin nalang siya ngayon sa langit na unti-unti ng lumiliwanag.

"Hindi mo ba talaga kayang pilitin yung sarili mo na mahalin ako?" wala sa sariling tanong niya, napakagat naman ako sa labi ko dahil ramdam na ramdam ko ang lungkot at hinanakit sa boses niya.

"I'm sorry.." yan nalang ang tanging lumabas sa bibig ko habang napapayuko at pinipigilan din ang luhang gusto tumakas sa mga mata ko.

"Fvck, I'm so pathetic." sabi niya habang napapailing. Nakita kong may namumuong luha sa mata niya pero pinipigilan niya yun sa pamamagitan ng pag iwas ng mga tingin sa akin at pagkagat niya sa mga labi niya.

Binigyan ko siya ng time para mag-isip isip ng konti saka ako muling nagsalita.

"We can be best friends pa rin naman eh." offer ko sa kanya, I hope na sana gumana. But at the looks of him, mukhang malabo.

He just smiled bitterly and bit his lips. He brushed his hair while still looking at the sunrise. He looked at me na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon