Ares' Pov
"Hi m, Ares!" nakangiting bati sakin ni Miah, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, ang laki din ng pinagbago niya.
"K-kailan ka pa dumating?" tanong ko dahil hindi pa din ako makapaniwalang nandito siya, Nasa Canada kasi siya. Lumipat sila ng pamilya nila sa Canada nung makagraduate kami ng Elementary. Matagal ng magkaibigan ang mommy ko at mommy niya, ganon na din ang daddy ko at daddy niya kaya naman bata pa lang kami kilala ko na talaga siya. Alam ko din na may gusto siya sa akin noon palang.
"Actually, kahapon pa. We're here to visit Tito George and Tita Ally and specially you. We thought na nakauwi na sila kaya pumunta kami dito pero ikaw pa lang pala nandito sa bahay niyo." paliwanag niya, tumango nalang ako bilang tugon at saka tumayo. Di ko siya gusto kasi masyado siyang clingy.
"Huy, Ares! Di mo manlang ba ako iwewelcome? Hanggang ngayon ba naman? Why are you being this mean to me huh?" sabi niya habang hinahabol ako, nilingon ko naman siya saka siya sinagot.
"Layuan mo nga ako! Matagal ko ng sinabi sayong ayaw ko sayo, ang kulit-kulit mo!" sabi ko saka ulit tumalikod pero bigla niya akong niyakap mula sa likod ko kaya natigilan ako saglit.
"Please, kahit ngayon lang. Give me your attention, kahit hindi bilang special someone, kahit bilang childhood friend lang, please?" biglang umamo at naging malungkot ang boses niya kaya naman nakonsensya ako ng bahagya. Bumuntong hininga muna ako at saka siya hinarap, Tinitigan niya ang mga mata ko kaya medyo umiwas muna ako ng tingin dahil naiilang ako sa tingin niya. Nang maramdaman kong wala na sakin ang paningin niya ay tinignan ko ulit siya, Nakatungo na siya at may namumuo ng luha.
Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita
"Sige, I'll treat you as a childhood friend of mine. Pero please, stop being so clingy. It make me feels awkward." sabi ko, ayan napa english pa tuloy ako dahil sa kanya, tsk. Tinitigan ko lang siya dahil hindi pa din siga nag-aangat ng tingin, hinawakan ko ang baba niya saka bahagyang inangat ang ulo niya para makita ko. Umiiyak siya.
"O-ok, I'll try--" sabi niya habang natulo pa rin ang luha pero pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Don't try, do it." sabi ko habang bahagyang nakangiti. Malungkot naman siyang tumango saka inalis ang pagkakahawak ko sa baba niya at saka tumakbo paalis.
Oo mukha siyang bitch minsan, pero di ko maitatangging cute siya kapag nagiging childish. Maganda naman siya, matalino at mayaman, she's almost perfect pero hindi yun yung nakikita ko. Ewan ko ba kahit na halos perfect na siya ay ayaw ko pa din sa kanya, Pero siguro kung maging tahimik siya at hindi na ganong kakulit, Siguro may chance na magkagusto ako sa kanya. Siguro lang!
Nagsimula na akong maglakad papasok sa loob ng bahay. Nang makapasok na ako ay nilibot ko ang paningin ko dahil baka nandito pa sila Miah.
"Ares, nagkausap ba kayo ni Haamiah? pinuntahan ka niya kanina doon sa likod eh." tanong sakin ni yaya.
"Ah eh opo, umalis na po ba sila?" tanong ko.
"Ah oo, ngayon-ngayon lang. Bakit nga pala namumugto ang mata ni Haamiah kanina nung tumakbo siya pabalik dito? May sinabi ka nanaman ba sa kanya?" tanong sakin ni yaya. Bumuntong hininga nalang ako at saka umiling. Pakiramdam ko nawala na ako sa mood.
Nagsimula na akong umakyat papunta sa kwarto ko dahil feeling ko nanaman ang dami kong ginawa ngayong araw at pagod na pagod ako.
Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay humiga na kaagad ako sa kama at pinikit ang mga mata ko.

BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Teen FictionNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...