Zeus' Pov
'For pete's sake! Where the hell did they go?'
Kasalukuyan akong nandito sa loob ng classroom at frustrate na frustrate. Wala yung teacher namin for this subject pero may binigay na gagawin namin.
I'm still worried. I'm worried about Kylix. Where did they go? Is she fine? Why is she with Ares?
Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa dami ng tanong na nasa isip ko.
"Hey dude, calm down." sabi sakin ni Caerus na ngayon ay chill na chill lang na nakaupo habang naka-crossed arms pa.
"Calm? For heaven's sake, Caerus! Kylix's not here, she's with Ares!" mariin na sabi ko sa kanya, tumingin lang naman siya sa akin ng inosente.
"So? Ano naman ngayon kung magkasama si Ares at Kylix?" inosenteng tanong niya sa akin na mas lalo kong kinainis. Inis na lamang akong napasabunot sa buhok ko dahil nakakabobo ang sagot niya. Wala na akong pakielam kung pinagtitinginan ako ngayon ng mga kaklase ko.
"I'm jealous, Cy! I'm fvcking jealous! Alam mo naman siguro yung nararamdaman ko para sa kanya di ba?" sigaw ko sa kanga at saka napahimalos sa mukha ko. I heard hin laugh kaya napatingin ako sa kanya.
"Why are you laughing? Is there something funny with that?" kunot-noong tanong ko sa kanya, medyo tatawa-tawa pa siyang umiling sakin.
"Nothing. Natawa lang ako kasi masyado kang honest. Hindi ka manlang marunong mag-deny ng nararamdaman mo haha!" sagot niya habang tatawa-tawa pa. Inis naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"And so? What can you do about my honest, huh?" I asked in a sarcastic tone. Tumawa naman ulit siya.
'Tss, disgusting.'
"Wala naman. I just stated my opinion." nakangiting sagot niya sakin, nginiwian ko lang naman siya at saka pumangalumbaba sa upuan ko.
'Kylix, where are you?'
Lutang lang ako habang nakatulala dahil iniisip ko pa rin kung nasaan sila Kylix ngayon. Actually, I don't effin' care about Ares. Ang sakin lang is, why are they together? Bakit ganon sila? It's driving me crazy.
"Hey Zeus, It's lunch time." paalala sakin ni Caerus. Inis naman akong tumingin sa kanya dahil nagmo-moment pa ako tapos bigla siyang magsasalita.
"So?!" iritadong sagot ko. Napataas naman ang kilay niya ng dahil doon.
'Tss, so gay.'
"Bababa na tayo ng classroom para kumain. Ayaw mo? Okay then." sabi niya naman sakin at saka dire-diretsong lumabas ng classroom. Dali-dali naman akong tumayo at saka humabol sa kanya.
"Hey! Wait for me, you jerk!" sigaw ko habang hinahabol ang lakad niya, ni hindi niya manlang ako nilingon.
Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa cafeteria kaya umorder na kami kaagad ng pagkain. Sa totoo lang, wala talaga akong gana kumain. Kaso itong kasama ko, sinasabi na kailangan ko daw kumain dahil may try out ng volleyball boys mamaya.
Dumating na yung order namin pero hindi pa rin kami nag-iimikan ni Caerus. Pareho lang kaming may malalim na iniisip kaya nakatulala lang kami sa kung saan.
BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Teen FictionNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...