Chapter 24

11 7 0
                                    

Ares' Pov

Hindi ko alam kung saan na kami nakarating dahil kanina pa ako lutang. Para kasing hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng kotse ni Kylix, diretso lang naman siyang nakatingin sa daan habang nagda-drive.

"K-kylix.." pagtawag ko sa kanya. Saglit naman siyang tumingin sakin at saka muling tumingin sa daan.

"Oh?" tanong niya habang nasa daan ang tingin.

"Saan t-tayo pupunta?" medyo naiilang na tanong ko sa kanya.

"Nagugutom ka di ba?" tanong niya sakin, tumango naman ako.

"Edi kakain tayo."

"Ha? Eh saan naman?" naguguluhan na tanong ko. Ngumiwi naman siya dahil mukhang naiinis na siya sa paulit-ulit kong tanong.

"Sa mall tayo pupunta, wag ka ng magtanong ng magtanong." pagtatapos niya sa usapan namin. Napayuko naman ako.

"Bakit hindi pa sa cafeteria? Pwede din naman doon." bulong ko pa sa sarili ko. Mukhang narinig ni Kylix kaya sumagot din siya.

"Hindi tayo mabubusog dun. Mas gusto ko yung mabubusog tayong dalawa."

*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG*

Wala namang something na special sa sinabi niya pero kumabog agad ang puso ko.

'Ano bang nangyayari sakin? Tsk.'

Ilang minuto pa kaming natahimik saka kami nakarating sa mall. Nagpark na muna siya bago kami bumaba.

Pagkababa namin ay pumasok na kami kaagad sa loob ng mall. Hindi naman kami nag-iimikan habang naglalakad kaya medyo awkward yung feeling na nararamdaman ko.

Pagkapasok namin sa loob ng mall ay tumingin-tingin ako sa paligid. Baka kasi may mga teachers na makakakita sa amin, sabihin pang nag-cutting classes kami which is totoo naman.

Habang lumilinga-linga sa kung saan ay may biglang humila sa wrist ko kaya medyo nadala yung katawan ko sa gawi niya, napatingin ako sa mukha niya at nakita ko naka-kunot na noo ni Kylix.

"Wag ka ngang masyadong malikot. Dito ka lang sa tabi ko." sabi niya sakin at saka siya nagsimulang maglakad habang nakahawak pa din sa wrist ko, sumunod lang naman ako sa kanya. Ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko ng dahil sa sinabi niya.

'Ano ba, Ares? Simpleng salita lang yun, okay? Walang malisya.'

Kinukumbinsi ko pa ang sarili ko para tumigil na ang pag bilis ng tibok ng puso ko.

Habang hinihila ako ni Kylix ay mga napapatingin sa amin na mga tao. Napapatungo nalang tuloy ako dahil feeling ko pinaguusapan nila kami.

Inangat ko yung salamin ko dahil nasa may dulo na ng ilong ko at saka muling yumuko.

Biglang tumigil si Kylix sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya, diretso siyang nakatingin sakin kaya ang lakas nanaman ng kabog ng dibdib ko.

'Ano ba, heart!? Kalma lang, okay?'

"B-bakit?" nauutal na tanong ko sa kanya, nakatingin pa din siya sa akin ng diretso.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon