Ares' Pov
Pagkalabas na pagkalabas ni Kylix ay malakas akong napabuntong hininga saka nahiga sa kama ko.
'Parang hindi ako makahinga kanina dahil kaming dalawa lang ang nandito sa kwarto.'
Nakatulala lang ako sa ceiling habang iniisip ang nangyari kanina. Buti nalang at bad trip din ako kaya nakuha kong umarte na galit sa kanya. Which is totoo din naman.
Napahigpit ang hawak ko sa bed sheet ng kama ko ng maalala ko ang tanong niya sakin kanina. Mas lalong nabubuhay ang galit sa dibdib ko.
"So parang gusto niya pa talagang ipaalam sakin na naghalikan sila ni Zeus sa fountain kanina ah?" naiinis na sabi ko at saka tumayo at kinuha ang damit ko para mag shower. Pagkatapos kong magshower ay nakatulog na rin kaagad ako dala ng pagod.
------------
"Ares, gumising ka na. Hindi ka ba papasok ngayon?" narinig kong tanong sakin ni yaya pero nanatili lang akong nakahiga at nakatalukbong ng kumot.
"Bumangon ka na diyan at 7:30 na. Malelate ka na." sabi pa niya saka ko narinig ang paghakbang niya paalis at ang pagsara ng pinto.
Tinatamad ko namang tinanggal ang kumot sa katawan ko at saka tumayo para kumilos. Matapos lang ang ilang minuto ay natapos na ako kaya agad na kong bumaba. Niyaya pa ko ni yaya kumain ng breakfast pero sinabi kong malelate na ko kaya hindi na ako kumain.
Nang makasakay na ako sa kotse ko ay pinaharurot ko na ito. Nang makarating ako sa may bandang crossing ay napatingin ako sa stop light dahil nagkulay pula ito kaya naman tumigil ako sa pagmamaneho nang bigla nalang sumakit ang ulo ko.
Madiin akong napahawak sa ulo ko ng dahil sa matinding sakit. Napapapikit pa ako ng mariin dahil may pangyayaring pilit na pumapasok sa isip ko.
"Babe, san ba tayo pupunta?" tanong sakin ng babaeng nasa tabi ko. Ngumiti naman ako sa kanya at saka inistart ang makina ng kotse ko na binigay sa akin ng bestfriend ni mama.
"Mamamasyal tayo ngayon." masayang sagot ko. Nakita ko naman ang pag aalala sa mukha niya.
"Pero di ba wala ka pang license? Hindi ka pa pwedeng mag drive sa highway." nag aalalang sabi niya sakin. Agad ko namang hinawakan ang kamay niya at saka siya nginitian.
"Okay lang yun. Kesa naman magtampo sakin ang pinaka magandang prinsesang harap ko dahil nawawalan na ako ng time sa kanya." sagot ko pa.
"P-pero—"
"Trust me, babe." paniniguro ko. Kahit nag aalala pa rin ay napatango nalang siya sakin.
Sinimulan ko na ang pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa may gitna ng daan. Medyo ma-traffic ngayon dahil rush hour pero hindi ko naman iyon pinansin.
Papalapit na kami sa crossing at napapansin kong bumibilis ang takbo ko kaya naman plano ko na sanang tapakan ang brake dahil naka red na ang stop light pero ayaw nito gumana. Nagsimula na akong magpanic dahil malapit na kami sa malaking crossing pero hindi pa rin kami tumitigil. Napapatabi na rin ang ibang nakakasalubong namin.
Napatingin ako kay Athena na mukhang hindi naman aware sa nangyayari dahil naka tutok ito sa cellphone niya habang nagtatype. Napalunok naman ako at saka tumingin sa daan. Malapit na malapit na kami.
BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Teen FictionNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...