Chapter 21

16 5 2
                                    

Ares' Pov

Nakangiti pa din si Kylix kay yaya kaya naman napatingin ako kay yaya. Bakas ang gulat sa mukha niya.

"A-athena?" gulat na tanong ni yaya. Tumango naman si Kylix kay yaya, at nakangiti pa din siya!

"A-anong nangyayari? M-magkakilala kayo?" naguguluhan na tanong ko habang naglilipat ng tingin sa kanilang dalawa. Si yaya naman ang sumagot sa tanong ko.

"Oo ijo, magkakilala kami nitong si Athena." nakangiting sabi ni yaya at saka tumingin kay Kylix. Nginitian naman siya pabalik ni Kylix at saka tumakbo si yaya papunta kay Kylix niyakap niya ito.

'Athena?'

Napakunot ang noo ko dahil sa mga nangyayari ngayon. Feeling ko sumakit ang ulo ko kakaisip.

Napatingin ako sa kanilang dalawa at nakita kong pinaupo ni yaya si Kylix sa sofa namin. Umupo na din naman siya at nagsimula silang magkwentuhan.

"Y-yaya, punta lang po ako sa kusina." pag-papaalam ko kay yaya. Tumango naman siya at saka ngumiti.

Dumiretso na ako sa kusina at saka kumuha ng baso para lagyan ng tubig.

"Athena.." sabi ko sa sarili ko at saka ininom yung tubig ko.

"Saan ko nga ba ulit narinig yun?" tanong ko sa sarili ko. Feeling ko talaga kasi may kakilala akong Athena.

'Baka naman kapangalan lang.'

Nagkibit-balikat nalang ako sa naisip ko at saka muling pumunta sa sala. Kasalukuyang nagkikwentuhan sila yaya at Kylix.

"Yaya, akyat na po ako sa taas." pag-papaalam ko, ni hindi manlang ako narinig ni yaya dahil masyado siyang busy makipag-kwentuhan kay Kylix. Napanguso nalang ako at saka umakyat na papunta sa kwarto ko.

Pagdating ko sa kwarto ay hinubad ko na agad amg uniform ko at saka nag-shower. Pagkatapos ko ay nagpalit nalang ako ng white t-shirt tapos jersey short.

Nahiga naman ako sa kama ko at saka kinuha yung cellphone ko. Makapag games na muna, wala namang assignment eh.

Habang naglalaro ako ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Pasok." sabi ko ng hindi tumitingin sa pinto dahil expected ko ng si yaya yung kumatok.

"Uhm, A-ares?" tawag ng kung sino. Tumingin naman ako.

"Bakit ya--Kylix!?" gulat na sigaw ko ng ma-realize kong hindi si yaya ang pumasok sa kwarto ko at saka ako bumangon mula sa pagkakahiga at tinakpan ko ng kumot ang katawan ko.

"B-bakit ka nandito?!" gulat pa din na tanong ko sa kanya. Nakatungo lang naman siya at paiwas-iwas ng tingin.

"P-pinatawag ka kasi s-sakin ni ate Nilda eh." nakatungo at pailing-iling na sabi niya sakin. Humigpit naman ang pagkakahawak ko sa kumot ko.

"B-bakit d-daw?" nauutal na tanong ko, tumingin na din naman siya sakin.

"Kumain ka na daw, may nakahanda ng pagkain sa kusina." sagot niya sakin.

"Sige, labas na ko." huling sabi niya at saka lumabas ng kwarto ko. Ako naman, nakatulala pa din sa kinatatayuan niya kanina.

'Hindi ba ako nananaginip?'

Napahawak nalang ako sa magkabilang pisngi ko habang nakatulala.

Napailing-iling ako ng dahil sa narealize ko.

"S-siya?.. s-siya ang unang babae na pumasok sa k-kwarto ko?" tanong ko sa sarili ko dahil hindi pa din ako makapaniwala.

Ilang minuto pa ng matauhan ako ay bigla na lamang akong tumayo at saka tumalon-talon sa kama.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon